Pang. Duterte, iniutos sa ABS-CBN na ibigay sa charity ang P2.6M ad refund

Imahe mula sa PCOO at Wikipedia
  • Hindi raw tatanggapin ni Pang. Duterte ang mahigit P2 milyon na refund mula sa mga hindi naiereng kampanya niya noong 2016 elections
  • Nais niya raw na ibigay na lang ito ng ABS-CBN sa charity
  • Tinanggap na rin niya ang paghingi ng tawad ng network ngunit sinabi na ang desisyon pag-renew ng prangkisa nila ay nakasasalay pa rin sa Kongreso

Bagama’t tinanggap na ni Pang. Rodrigo Duterte ang paghingi ng paumanhin ng ABS-CBN ay hindi na niya raw kukunin ang P2 milyong refund para sa mga hindi umere niyang campaign ads noong 2016 elections. Sabi niya, ibigay na lamang ng network sa charity ang malaking halaga.

Imahe mula sa PCOO

“Huwag na. Ibigay na lang nila sa any charitable institution of their choice,” sabi ni Duterte ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

Sa pagdinig na ginanap ng Senado tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN, inamin ng CEO at President ng network na si Carlo Katigbak na may P7 milyong halaga mg local ads ni Duterte ang hindi nila naiere dahil sa “first come, first served” policy nila.

Tinatayang nasa P4 milyon na raw ang naibalik sa kampo ni Duterte at may natitira pang P2.6 milyon na na-delay. “On this issue, we acknowledge our shortcoming in our failure to release the refund in a timely manner,” aniya.

Imahe mula sa Wikipedia

Sa kabila nito, sinabi ni Pang. Duterte na nakasalalay pa rin sa Kongreso ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

“But fundamentally, really, ang decision nasa House ngayon, not so much of the Senate because the Constitution says all of these things must originate from the Lower House. The critical move is in the House and I tell you, I am not going to interfere. Wala talaga ako,” sabi niya.

Noon ay ipinahayag ng Pangulo ang matinding pagtutol niya sa pagrerenew ng prangkisa ng ABS-CBN dahil umano sa biased na pag-uulat nila at sa hindi nito pag-ere ng kaniyang campaign ad noon.

Source :

ABS-CBN

Loading…