Pang-Miss Universe: Larawan ng isang katutubo, hinangaan dahil sa angking ganda nito

  • Trending sa social media ang larawan ng isang katutubo dahil sa pang-beauty pageant na ganda nito
  • Natural na lumabas ang ganda ng isang Agta nang kuhanan ng larawan ng isang netizen
  • Marami naman ang nagpaabot ng paghanga sa larawan ng katutubo dahil sinasalamin daw nito ang natural na ganda ng isang babae

Sa isang bansang tulad ng Pilipinas na malakas pagdating sa mga beauty pageant, hindi na nakapagtatakang marami ang nag-aambisyon na maging beauty queen. Marami sa mga ito ay pinaghahanadaan ang kanilang pagsalang sa mga beauty contest, kabilang ang pag-aaral maglakad at paano humarap sa mga tao.

Ngunit mayroon namang ilan na tila natural ang pagiging beauty queen, kahit ang mga katutubo. Ito ang mensahe ng larawan ng netizen na si Herson Allayban Raquinio. Ibinahagi niya sa kanyang social media account ang larawan ng isang katutubong Agta na hinangaan ng maraming netizen dahil sa angking ganda ng ‘modelo.’

Larawan mula sa Facebook post ni Herson Allayban Raquinio

Kabahagi si Herson ng isang proyekto na tinatawag na Project Lapis kung saan nagbibigay sila ng tulong, partikular ang mga school supply, sa mga katutubo sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Isa sa mga natulungan nila ay ang mga katutubong Agta.

Isa sa mga nakasalamuha niya ay ang isang Agta. Pinakiusapan niya raw ito na kung maaari ay makuhanan siya ng larawan. Magiliw naman daw itong pinaunlakan ng katutubo at nag-pose na animo’y modelo. May nakapatong pa itong malaking dahon sa kanyang ulo bilang pananggala sa araw na lalong nagbigay ng kulay sa larawan.

“Asked if I can take a picture, she naturally and happily posed for the camera. The most beautiful woman in the universe,” sabi ni Herson sa kanyang viral Facebook post. Habang isinusulat ang balitang ito, nagkamit na ng 30,000 reactions na karamihan ay ‘l0ve,’ 250 comments, at 18,000 shares ang nasabing post.

Nagpaabot naman ng paghanga ang mga netizen sa natural na ganda ng Agta. Ayon sa kanila, si nanay ang patunay na kagandahan ng isang tao ay biyaya ng Panginoon. Kahit walang sapat na ayos o mga kolorete sa katawan, basta nabubuhay nang masaya, siguradong laging panalo ang awra.

“I believe that. Simplicity is beauty. You don’t need a lot of money to change you. All you need is to be happy. Just look at the camera, post, smile, fierce, awra pak!” pahayag ng isang netizen.

Larawan mula sa Facebook post ni Herson Allayban Raquinio

Inihalintulad naman ng iba si nanay sa mga Miss Universe candidates na nakasuot ng kanilang national costume. Effortless daw ang pagpapakita ng katutubo ng kagandahan ng mga Pilipina dahil simple lamang ito ngunit kapansin-pansin.

Marami pang larawan ni Herson sa kanyang Facebook account. Patuloy niyang ibinabahagi ang angking ganda, hindi lamang ng pisikal na aspekto, ngunit pati na rin ang makulay na kultura at pamumumuhay ng mga katutubong malaking bahagi ng ating mundo.

Loading…