Pangolin, posibleng pinagmulan ng 2019 nCov, ayon sa mga eksperto

  • Inihayag ng mga siyentipiko sa China na ang “pangolin” ang posibleng intermediate host ng 2019–Novel coronavirus o nCov
  • Identical umano ang mga viruses na makikita sa pangolin sa mga pasyenteng nagpositibo sa 2019–nCov
  • Bago ito, ang unang sapantaha ay nagmula sa mga paniki ang naturang virus 

Sinabi ng mga mananaliksik mula sa South China Agricultural University na posibleng nagmula sa endangered species na “pangolin” ang kinatatakutan ngayong 2019 Novel Coronovirus o 2019–nCov, ayon sa kanilang opisyal na pahayag noong Biyernes, Pebrero 7, 2020.

Ang naturang mapamuksang virus ay sinasabing nagmula umano sa mga paniki na itinitinda sa isang live animal market sa Wuhan City, China noong 2019. Subalit batay umano sa pananaliksik at eksperimento ng mga mananaliksik, posibleng ang “intermediate host” nito ay ang mga pangolin.

Public Domain Image

Matapos umanong dumaan sa testing ang 1,000 samples mula sa wild animals, napag–alaman umano ng mga siyentipiko na ang genome sequences ng viruses mula sa mga pangolins ay 99% identical o kapareho sa 2019–novel coronavirus na nakuha sa mga kumpirmadong mga pasyente nito.

Ayon sa International Union for Conservation of Nature (IUCN), ang pangolin ay itinuturing na “most trafficked animal” sa buong daigdig. Mahigit isang milyong mga species nito ang hinuli mula sa mga kagubatan ng mga bansa sa Asya at Africa kung saan matatagpuan ang mga ito.

Palihim umano itong ibinebenta sa mga pamilihan sa bansang China at Vietnam. Ginagamit umano ito sa traditional medicine, kahit na wala pang patunay na nakagagaling ito ng anumang sakit. Ang karne naman nito ay ibinebenta rin sa mga black market sapagkat kinakain din, kagaya ng iba pang wild animals. Kilala sa China ang “Pangolin soup”.

Public Domain Image

Sa kasalukuyan, patuloy ang temporary ban ng China sa mga pamilihang nagbebenta ng wild animals para sa kanilang traditional medicine at pagkain, habang hindi pa humuhupa ang epidemya.

Matatandaang sa mga paniki rin isinisi ang SARS (Severe Acute Respiratory Syndrome) virus noong 2002-2003, na napag–alamang nagmula sa civets.

Loading…