Panic buying sa Singapore matapos mag-anunsyo ng DORSCON Orange Alert sa nCoV

  • Panic buying sa Singapore dahil sa nCoV
  • Mga basic commodities nagkakaubusan na sa mga supermarket
  • Idineklara ng Ministry of Health ang DORSCON Orange Alert kasunod ng mga bagong nCoV patients na walang travel history sa China

Nagkakaubusan na ng mga basic commodities sa maraming supermarkets sa Singapore dahil sa panic buying ng mga residente matapos ideklara ng Ministry of Health ang Disease Outbreak Response System Condition (DORSCON) Orange alert para sa 2019 novel coronavirus (nCoV).

Imahe mula sa MS News

Ang DORSCON Orange alert ay nagpapahiwatig ng malubhang sakit na madaling makahawa subalit hindi pa gaanong lumalaganap at kasalukuyang sinusugpo. Mas mababa lang ito ng isang level sa Red alert na nagpapahiwatig ng out-of-control pandemic.

Ang pagdedeklara nito ay kasunod ng mga bagong nCoV patients na walang travel history sa China.

Dahil dito ay nagkukumahog ang mga Singaporeans na mag-stock ng mga basic commodities gaya ng toilet paper, instant noodles at bigas bukod pa sa face masks at hand sanitizers.

Ayon sa isang Singaporean Facebook user, halos maubos na ang mga produkto sa shelves ng NTUC Kallang Wave mall. Inaakyat pa umano ng mga buyer ang pinakatuktok ng shelves para makuha ang mga produktong hindi pa naka-display.

Ganoon din ang nangyayari sa iba pang branches ng NTUC batay sa social media posts ng mga netizens.

Imahe mula kay Maricel Emata Nuñez

“Wow, it’s mass hysteria and desperation at the Maggie Mee Lane at White Sands NTUC.

“Friends are reporting toilet paper runs have also begun in Singapore now. Pictures from the NTUC in Bukit Timah showing empty toilet paper racks.”

“The amount of people in the NTUC is so scary coz people stocking up food.”

“Not sure if everyone’s seen the Tuas in Bishan NTUC situation but it’s like the apocalypse here everyone’s stocking up supplies.”

Nanawagan naman ang pamunuan ng NTU FairPrice sa mga buyers na maging kalmado. Hindi umano kailangang bumili nang sobra-sobra dahil mayroon silang sapat na stocks sa kanilang mga bodega.

Imahe mula sa MS News

Loading…