Paper packaging na gawa sa pinya, solusyon sa plastic pollution sa bansa

Imahe mula sa VICE/Design Center of the Philippines
  • Nagtulong-tulong ang mga kompanya sa Pilipinas sa pagbuo ng paper packaging upang mabawasan ang plastic waste
  • Kahit daw kasi gawa sa papel ang ibang mga packaging ay may plastic pa rin ito upang maging water resistant
  • Ang 100 percent paper packaging na binuo ng mga kompanya ay gawa sa dahon ng pinya

Upang tuluyan nang mabawasan ang plastic waste sa Pilipinas, nagtulong-tulong ang iba’t ibang kompanya sa bansa sa paggawa ng packaging na gawa lamang sa papel.

Imahe mula sa VICE/Design Center of the Philippines

Tinawag nila itong Pinyapel na mula sa mga salitang pinya at papel. Hindi raw kagaya ng ibang paper packaging na ginagamitan pa rin ng plastic upang maging water resistant ay 100 percent na gawa raw sa papel ang produktong ito.

Ayon sa website na VICE, nakipagtulungan si CDO Handmade Paper Crafts founder Lolita Cabanlet sa Design Center of the Philippines (DCP) nang maisip niyang maaaring gamitin ang dahon ng pinya sa produktong ito.

Dito na rin nabuo ang kanilang pakikipagsosyo sa Nature’s Fresh, na nagbibigay ng dahon ng pinya at Ideatechs Packaging Corp. na siya namang gumagawa ng packaging kagaya ng paper cups, bags, at sheets.

Imahe mula sa VICE/Design Center of the Philippines

Ang mga packaging na ito raw ay mas mabilis na mag-decompose kaysa mga commercial paper bags. Sabi ng DCP, 55.32 percent ang mass loss ng Pinyapel sa loob ng apat na linggo, kumpara sa ibang paper bag na 21.33 percent lamang.

“The ambition of the Pinyapel is to replace the takeaway/take-out food containers and have Pinyapel be part of the compost bin that can be used to re-fertilize the soil and make it richer, so instead of traditional linear economy of taking out from the earth, we are able to give back to the earth and make it richer and healthier, making as responsible stewards of the earth for future generations,” sabi ni DCP Executive Director Maria Rita O. Matute sa VICE.

Hangad natin na lubos nang makaiwas sa paggamit ng plastic. Nawa’y matamo na ang mga makabubuting solusyon gaya nitong pinyapel.

Source :

VICE

Loading…