Pasilip sa bagong Batman nag-trending dahil kamukha ng superhero na si Daredevil

  • Official reveal ng costume ng bagong Batman ipinasilip sa publiko
  • Marami ang nagsabi na ang maskara ng bagong Batman ay kamukha ng maskara ni Daredevil
  • Si Robert Pattinson ang gumanap bilang bagong Batman

Nag-trending sa social media ang unang pasilip sa costume ng bagong Batman na ginampanan ni Robert Pattinson dahil kamukha ito ng Marvel superhero na si Daredevil.

Screenshot ng tweet ni @FinestGeek

Naging usap-usapan sa Twitter ang superhero na si Daredevil matapos ipasilip ni Matt Reeves, ang director ng “The Batman,” si Robert Pattinson na nakasuot ng Batsuit. Makikita sa official video reveal ng costume na nasisinagan ng kulay pulang ilaw si Batman.

Noong una ay inakala ng marami na muling binuhay ang Netflix superhero series na “Daredevil” na noon pang December 2018 natapos.

May isang tagahanga pa ng serye na pabirong nagkomento ng “New Daredevil costume looks great.”

May kinalaman umano ang kulay pulang ilaw, anggulo ng camera at mga anino kaya nagmukhang si Daredevil ang bagong Batman. Maging ang maskara ng bagong Batman ay halos pareho ng structure, sabi ng mga fans.

Hindi rin nakaligtas sa obserbasyon ng mga tagasubaysay ng mga superhero movies na si Ben Affleck ang huling aktor na gumanap bilang Batman at siya rin ang gumanap na “Daredevil” sa pelikula noong taong 2003.

Screenshot ng tweet ni @FinestGeek

Narito ang ilang komento ng mga Twitter users sa official reveal ng costume ni Batman:

“I love how Daredevil is trending because of Batman lol.”

“Who wore it better? Daredevil or The Batman?”

“The fact that Robert Pattinson’s Batman suit looks a little like the Daredevil suit and Ben Affleck was the last Batman but Affleck also played Daredevil in 2003.”

“Color tone and costume design. Have I seen this somewhere else before?”

“Me finding out Daredevil Season 4 isn’t coming out, and it’s just the Batman.”

 

Screenshot ng tweet ni James Edwards

 

Loading…