Payo ni Rachelle Ann Go sa mga single ladies: Huwag magmadali, ipagdasal ang sarili

  • Bukod sa career, masigla rin ang lovelife ni Rachell Ann Go na ikinasal noong 2018 sa kanyang foreigner boyfriend
  • Bago siya ikinasal, may mga nakarelasyon noon si Rachelle ngunit hindi nagtagal ang mga iyon
  • May payo naman ang mang-aawit sa mga single ladies na i-enjoy muna ang pagiging single habang wala pa ang kanilang “the one”

Isa sa mga showbiz personality na humahataw ang karera sa lokal at internasyonal na entablado ay ang mang-aawit na si Rachelle Ann Go. Bukod sa tagumpay bilang isang mang-aawit, matagumpay rin ang kuwento ng kaniyang pag-ibig.

Si Rachelle ay ikinasal noong Abril 18, 2018 sa isang South African born-American businessman na si Martin Spies. Nagkakilala ang dalawa sa New York habang abala si Rachelle sa Miss Saigon Tour.

Imahe mula sa Facebook page ni Rachelle Ann Go

Magkapareho ang espiritwal na paniniwala nina Rachelle at Martin kaya malaki ang pasasalamat ng broadway star. Sa paniniwala ni Rachel, hindi magtatagumpay ang isang relasyon kung magkaiba ang pananampalataya ng mag-asawa.

Nagpayo rin si Rachelle sa mga single ladies na huwag nang hanapin ang kanilang ‘the one’ kundi ihanda na lamang ang sarili para maging ‘the one’ ng iba.

“To all the single ladies out there, there’s no such thing as ‘the one.’ You have to be ‘the one’ for that person. You have to prepare yourself to be ‘the one,’” paliwanag ni Rachelle sa ulat ng GMA News.

Dumating kasi sa punto na maraming naka-date si Rachelle noon kung saan nasaktan lamang siya at napagod. Bago makarelasyon si Martin, nagkaroon ng ugnayan ang mang-aawit kina Slater Young, Christian Bautista, at Gab Valenciano.

Aniya, nang mapagod na siya sa pakikipagrelasyon ay nagpokus si Rachelle sa kaniyang career at pinatatag ang kaniyang espiritwal na paniniwala. Ipinagdasal ni Rachelle ang kaniyang sarili at ang kaniyang future husband na hindi pa niya nakikilala noon.

“Naalala ko, I was on a plane, I was writing, sabi ko ‘Lord, this is the first time I am writing this down.’ Sabi ko, ‘prepare me to be a good wife, to be a good mom.’ And sabi ko, ‘yung husband din. When You think I’m ready Lord, ipakita n’yo na Lord.’ So doon, nangyari lahat sa New York,” salaysay pa ni Rachelle.

Imahe mula sa Facebook page ni Rachelle Ann Go

Dagdag pa nito, huwag aksayahin ang panahon sa pakikipag-date lamang. Mainam na bigyan ng panahon ang sarili bilang isang single at i-enjoy ang moment na iyon hanggang sa makilala ang lalaking para sa iyo.

Noong Pebrero 14 ay nagdaos siya ng “Rachell Ann Go: The Homecoming” concert na ginanap sa Resorts World Manila.

Source :

GMA News

Loading…