Photoshoot ni Heart Evangelista sa grocery, kinaaliwan ng netizens

Imahe mula sa Instagram | Heart Evangelista
  • Muling naaliw ang netizens sa OOTD shoot ni Heart Evangelista sa isang grocery store
  • Sabi ng mga nag-comment, nagiging mukhang mamahalin daw ang mga gulay kapag nahawakan ni Heart
  • Matatandaan nag-trend noon ang video ni Heart kung saan nakasuot siya ng magarang gown dahil bibili raw siya ng corned beef

Kinagiliwan ng netizens ang mga Instagram-worthy na larawan ni Heart Evangelista sa isang grocery store.

Imahe mula sa Instagram | Heart Evangelista

Ibinahagi ni Heart ang mga larawan niyang ito sa kaniyang Instagram account. “OMG—Oh my gulay.  Text me kung may pabili kayo,” sabi niya sa kaniyang caption.

Ang photoshoot na ito ay para sa online cover story ng GMA News na may pamagat na “A Day at the Grocery with Love Marie.”

“Heart has the ability to make everything she touches look expensive as gold. Immediately, we feel the need to buy the bag of orange, the bananas, apples, pear, and that head of broccoli,” ayon sa feature ng GMA.

Umani ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa kaniyang mga kasama sa industriya.

Sabi ni Miss World Philippines 2019 Michelle Dee, “Only you can pull this off!”

Sabi naman ni Gian Magdangal, “Love the shoot with the produce. Make it look so good.” Komento naman ng isa pa, “Naging premium yung repolyo.”

Imahe mula sa Instagram | Heart Evangelista

Hilig ni Heart na mag-post ng mga video na talaga namang kagigiliwan ng mga netizens. Matatandaang nag-trend ang video ni Heart kung saan ipinakita niya ang kanyang outfit of the day (OOTD) na isang magarang gown dahil pupunta raw siya sa grocery para bumili ng corned beef.

“This is my look for today. I am on my way to the grocery to buy corned beef,” sabi ni Heart sa video. Binawi naman niya ito at sinabing pupunta siya sa isang event.

Sinundan pa ito nG isa na namang “OOTD” video kung saan naka-white dress naman si Heart na biro niya ay suot niya para bumili ng itlog na pula.

Loading…