Pia Wurtzbach, hindi pa raw handang sagutin ang ispekulasyon tungkol sa bagong BF

Imahe mula sa Instagram | Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey
  • Naging usap-usapan ang magkakahawig na Instagram stories nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at entrepreneur na si Jeremy Jauncey
  • Dito nagsimula ang ispekulasyon na magkarelasyon sila
  • Nang tanungin ng press si Pia sa isang event tungkol dito, sinabi niyang hindi siya handang sagutin ito

Hindi raw handa si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na sagutin ang mga ispekulasyon na dine-date niya ang CEO ng Beautiful Destinations na si Jeremy Jauncey nang usisain ng press kamakailan.

Imahe mula sa Instagram | Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey

Naging usap-usapan kasi ng netizens ang posibleng pagkakamabutihan ng dalawa dahil sa magkahawig na mga Instagram posts na ibinabahagi nila.

“Hindi. I’m not ready for these questions. I just feel like there’s a right time and place to talk about it,” sabi raw ni Pia ayon sa ulat ng Push. Ginanap ang interview sa launching ng bagong produkto ng Jollibee.

Noong January 2, napansin ng netizens na magkapareho ang lokasyon ng Instagram stories ng dalawa. Ang mga fans na may matatalas na mata, nakita sa background si Jeremy sa larawan na ipinost ng isang netizen kasama si Pia. Kuha raw ito noong Nobyembre 2019 kung kailan lumipad umano patungong Hong Kong sina Jeremy at Pia.

Imahe mula sa Instagram | Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey

Disyembre noong isang taon nang aminin ni Pia na hiwalay na sila ng ex-boyfriend na race car driver na si Marlon Stockinger. Naging magkarelasyon sila sa loob ng tatlong taon. Naglabas ng pahayag noon si Pia upang kumpirmahin ang mga ulat at linawin ang isyu na ibinabato kay Marlon.

“It is true that Marlon and I are no longer together. I wish him and his family well, and out of respect for them, let me make it clear – Marlon and his family never depended on me financially. This will be my only statement on the matter. Thank you for your support,” pahayag noon ni Pia.

Ayon sa business manager ng beauty queen na si Rikka Infantado-Fernandez, nangyari ang hiwalayan noon pang October.

Loading…