Pia Wurtzbach, ibinahagi ang sikreto sa pananatiling fit

Imahe mula sa Instagram | Pia Wurtzbach
  • Regular na ehersisyo at pagkain nang tama ang sikreto raw ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach upang maging fit
  • Nagbubuhat daw siya ng weights at nagca-cardio 30 minuto kada araw
  • Kahit daw simple lamang ay kailangan nito ng matinding disiplina at consistency

Ibinahagi ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang kaniyang sikreto upang manatiling fit at healthy.

Imahe mula sa Instagram | Pia Wurtzbach

Kuwento niya sa Pep PH, sinusubukan niyang makapag-ehersisyo araw-araw.

“Basta hindi puwedeng may isang linggong lumipas na hindi ako magwo-workout. If I can do it daily, I would. If the schedule permits, I do it every day. I try to do it in the morning, so then it’s out of the way and I can continue on with my day. If not, then I’ll do a few times a week, but definitely, I try to do it,” aniya.

Bukod sa cardio exercises ay nagbubuhat din daw ng weights ang beauty queen. Payo niya sa mga kababaihan, ‘wag matakot na magbuhat dahil hindi raw totoo na lalaki ang katawan dahil dito.

“I do a lot of weights. And a lot of women try to stay from weights or they do more cardio kasi, ‘Naku, baka lumaki ako, maging macho ako,’ ganiyan. But that’s not true. We are genetically not made to grow that big unless you try to alter something in yourself,” sabi pa niya. “So baliktad sa akin. More weights than cardio.”

Imahe mula sa Instagram | Pia Wurtzbach

Dagdag niya, kahit 30 minuto lamang daw ng exercise ay sapat na nang sa gayon ay maiwasang ma-burnout.

“Kasi that’s what happens if you do, hindi ka na babalik bukas kasi parang na-trauma mo iyong sarili mo sa isang araw. So try to do just 30 minutes. Iyong sakto lang na ma-e-excite ka pang bumalik the next day,” sabi niya.

Ipinangako rin daw ni Pia sa sarili na magiging mas healthy siya pagdating sa mga pagkain. “I promised myself that I would eat more greens, eat more fruit—like anything that comes from the ground is perfect—and also drinking more water.”

Kahit simple lamang daw ang mga ginagawa upang mapanitiling fit ang katawan ay kailangan nito ng matinding disiplina at consistency.

Source :

Pep PH

Loading…