Pia Wurtzbach nag-selfie sa ginamit na jersey ni LeBron James sa NBA All-Star; sinabing for auction ang iconic jersey

  • May selfie si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa ginamit na jersey ni LeBron James
  • Si Pia kasi ang isa sa naging reporter ng NBA All-Star Weekend na ginawa sa Chicago, Illinois
  • Naka-bonding rin niya ang Pinoy basketball player na si Kai Sotto na nasa America din

Itinayo ni Pia Wurtzbach ang bandera ng Pilipinas sa katatapos lamang na NBA All-Star Weekend. Siya kasi ang nagsilbing isa sa mga backstage reporters para sa NBA Philippines. Marami ang nagpakita ng suporta sa Miss Universe 2015 title holder.

At matapos ang nasabing All-Star game, nagkaroon ng pagkakataon si Pia na makipag-selfie sa ginamit na jersey ng MVP at NBA champion na si LeBron James na in-upload niya sa kanyang Instagram account.

Ang koponan ni LeBron ang nagwagi sa nasabing exhibition match kaya naman ipinagmamalaki ni Pia na may larawan siya ng jersey ng isang kampeon.

Larawan mula sa Instagram account ni Pia Wurtzbach

Sinabi rin ni Pia na ang mismong jersey ni LeBron na hawak niya, kabilang ang iba pang All-Star jersey, ay ilalagay sa isang online auction. Ang mapagbebentahan ay mapupunta sa Mamba Mambacita Sports Foundation.

“The wet (from the sweat) jersey of a champion. Congratulations, Team LeBron. If you are a die hard collector, this jersey (among others), are available for auctions at auctions.nba.com on Tuesday! All proceeds go to the Mamba Mambacita Sports Foundation,” pahayag ni Pia sa kanyang post.

Maliban kay LeBron, nakilala rin ni Pia ang isa pang Pinoy pride ngayon at batang basketbolista na si Kai Sotto na unti-unting lumilikha ng pangalan sa USA. Nasa Chicago rin si Kai para sa Basketball Without Borders Global Camp.

Larawan mula sa Instagram account ni Pia Wurtzbach

Sa kanilang maikling bonding ay tinuruan ni Kai si Pia ng ilang basketball basics. Nagkaroon din sila ng one on one interview at nag-selfie rin pagkatapos. Kinailangan pa ngang tumungtong ni Pia sa upuan upang makapantay ang 7’2 na si Kai.

Matapos ang NBA All-Star stint ni Pia sa Chicago, nasa New York naman ngayon ang beauty queen para magbakasyon. Sinabi pa ni Pia sa isang larawan na masaya siya na magbalik sa New York na naging tahanan niya nang naging Miss Universe siya noong 2015 hanggang 2016.

Loading…