Pila sa videoke, solusyon ng magkakaibigan para lahat ay makakanta, makabirit sa favorite song nila

  • Patok sa social media ang video na in-upload ng netizen na kinilalang si Olga Kho
  • Mapapanood rito ang nakaaaliw na pagpila nilang magkakaibigan sa harap ng videoke
  • Paraan umano nila ito para lahat sila ay makakanta at makabirit sa favorite song nila sa halagang P5 lang

Viral sa social media ang pagpila ng isang grupo ng magkakaibigan sa harap ng isang videoke machine.

Imahe mula sa Facebook video ni Olga Kho

Sa ibinahaging video ng netizen na kinilalang si Olga Kho sa Facebook noong February 25, makikita ang nakaaaliw na video ng grupo ng magkakaibigan na nakatayo sa harap mismo ng isang videoke machine.

Paraan pala nila ito para lahat sila ay mabigyan ng tiyansa na makakanta at makabirit sa favorite song nila.

“Yung lahat ng singer nagsama-sama! Saan aabot ang P5 mo,” ani Olga sa caption ng kaniyang Facebook post.

Mapapanood sa video ang isa-isang pag-awit ng magkakaibigan sa hugot song na “Bukas Na Lang Kita Mamahalin” na siyang unang pinasikat ng Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha halos dalawang dekada na ang nakararaan.

Isa-isang nagpakita ang mga nakapilang netizens ng galing sa pag-awit at pagbirit sa napiling videoke song.

Marami rin ang naaliw sa kanilang paraan para lahat ay maipamalas ang kanilang nakamamanghang singing voice nang hindi gumagastos nang malaki.

Dahil iisang kanta lang ang pinagsaluhan ng mga ito sa videoke, tanging P5 lamang umano ang ginastos ng magkakaibigan.

Agad namang nag-viral ang video na in-upload ni Olga sa Facebook.

Sa katunayan, mayroon na itong higit 1.6 million views sa loob lamang ng tatlong araw matapos itong ibahagi ng netizen sa social media.

Yong lahat nang singer nagsama-sama!? Saan aabot ang 5 pesos mu??!?

Posted by Olga Kho on Tuesday, February 25, 2020

Nasa higit 39,000 na rin ang natanggap nitong video reactions, samantalang mayroon na itong 34,000 shares sa Facebook.

Loading…