Pilipinas magpapadala ng virgin coconut oil sa Singapore para pag-aralan kontra COVID-19

  • Virgin coconut oil bilang potensyal na panlunas sa COVID-19, pag-aaralan sa Singapore
  • Magpapadala ang pamahalaan ng samples ng langis ng niyog sa National University of Singapore
  • Marami nang scientific evidence na ang virgin coconut oil ay mabisang panlaban sa mga virus

Magpapadala ang Pilipinas ng mga sample ng virgin coconut oil sa Singapore upang gawan ng pag-aaral ang potensyal nito bilang panlunas sa conoravirus disease 2019 (COVID-19).

Imahe mula sa PMR

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nogerales, pumayag na raw ang National University of Singapore na pag-aralan kung mabisa ang langis ng niyog na panlaban sa COVID-19.

“As to the efficacy of virgin coconut oil in combating COVID-19, a leading proponent – an academician in one of our top universities – is spearheading this initiative and the National University of Singapore has accepted to test VCO against COVID-19,” pahayag ni Nograles sa press briefing sa Malacañang.

Aniya, inihahanda na ang mga virgin coconut oil samples na ipadadala ngayong linggo.

Ang virgin coconut oil bilang posibleng lunas sa COVID-19 ay unang binanggit ng dalawang researchers – si Professor Emeritus Dr. Fabian Antonio Dayrit ng Ateneo de Manila University at  Dr. Mary Newport ng Spring Hill Neonatolody, Inc. – sa ginawa nilang pananaliksik.

Sa research paper nila na pinamagatang “The Potential of Coconut Oil and its Derivatives as Effective and Safe Antiviral Agents Against the Novel Coronavirus (nCoV-2019),” iminungkahi nina Dr. Dayrit at Dr. Newport na gamitin ang langis ng niyog na panlunas sa COVID-19, na kilala noon sa tawag na nCoV-2019.

Imahe mula sa Remate

Marami na umanong scientific studies na nagpatunay sa anti-viral properties ng virgin coconut oil kaya nanawagan sila na magsagawa ng clinical studies sa paggamit nito sa mga COVID-19 patients.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit 78,000 ang kinapitan ng COVID-19, mahigit 2,500 sa kanila ang hindi pinalad na makaligtas.

Loading…