Pinay CEO sa kaniyang mga empleyado: “Piliin ninyo ang mga pamilya ninyo kaysa sa akin”

  • May paalala ang isang Pinay CEO sa kaniyang mga empleyado
  • Gawing prayoridad ang pamilya kaysa ang paglilingkod sa kaniya
  • Naniniwala umano siyang ang isang empleyadong masaya sa kanilang inuuwiang tahanan ay masayang papasok sa trabaho at magiging produktibo

Mahirap maging isang magulang na naghahanapbuhay at nagtataguyod para sa kanilang pamilya. Mahirap itong pagsabayin lalo pa’t may nakaatang na malaking responsibilidad o tungkulin sa kompanya, o masyadong career–driven at workaholic ang isang mom at dad, sa kabila ng pagkakaroon ng sariling sambahayan. Kumbaga, hindi dapat humihinto ang ambisyon at pangarap kapag isa ka nang ama o ina.

Kaya naman, patuloy na pinag–uusapan at pinagmumulan ng inspirasyon ang isang Facebook post ng nagngangalang “Charity Delmo,” noong Nobyembre 2018, isang Pinay CEO o Chief Executive Officer ng isang kompanyang nakabase sa Sydney Australia. Paalala niya sa mga empleyado, laging gawing prayoridad ang pamilya sapagkat makapaghihintay naman ang trabaho.

Imahe mula sa Facebook account ni Charity Delmo

“I hired you in the hope that you can be a good provider to your family, not to take you away from them, to give you additional skills not take your parental skills away from your kids, to make you a better person not just for the company but all the more for your family,” aniya.

Sa pagpapatuloy, “So when the time comes that you will have to choose between attending your sons and daughters’ school activities over a client’s needs, if you have to choose between your wife or your husband’s needs over mine as your boss, —please choose them.”

Mas mainam daw na ayusin ang mga ugnayan o relasyon habang hindi pa huli ang lahat.  “You see, not all employers will understand some of my principles in leadership but I would rather close this company than seeing you miss your kids school activities because you have to be in meeting, or seeing you getting broken because of your unfixed misunderstanding with your husband or wife,” aniya.

Naniniwala umano siyang ang isang empleyadong masaya sa kanilang inuuwiang tahanan ay masayang papasok sa trabaho at magiging produktibo. “They are your home first before the company gave you a second home, they’re your family before you became mine. I have always believed that a person who’s happy at home is also happy at work.”

Public Domain Image

Sa huli, ang paalala niya ay, “So, Go home. Be home. Your work can wait. I can wait. Your family, the home that you built, once broken, will never be the same again. You will never be the same again. Love, Boss.”

Napakagandang mensahe nito, hindi ba?

Loading…