‘Please forgive us’: Mga Chinese na na-quarantine sa Romblon, nagpasalamat at humingi ng tawad sa liham

Imahe mula sa Facebook | Daphne Faith Gabaldon
  • Sa pamamagitan ng liham, nanghingi ng paumanhin ang apat na Chinese na isinailalim sa quarantine sa Romblon sa gitna ng banta ng 2019 nCoV
  • Nagpasalamat din sila sa magandang trato sa kanila ng mga Pilipino na nakasalamuha nila rito
  • Nasa Maynila na ngayon ang apat para ituloy ang self quarantine

Bilang paghingi ng paumanhin sa pagdadala raw ng tak0t at pagpapasalamat sa magandang trato sa kanila sa kabila ng banta ng 2019 novel coronavirus (nCoV), nag-iwan ng liham ang apat na Chinese na sumailalim sa quarantine sa Rombon.

I-click ang imahe para makita ang buong post

Ibinahagi ng netizen na si Daphne Faith Gabaldon ang liham na ito sa kaniyang Facebook post. “Isang taos pusong pasasalamat mula sa ating mga bisita at humihingi po sila ng paumanhin. We will continue to pray for you and for everyone,” sabi niya.

Isinulat ni Wen Cong ang liham na ito para sa kaniya, sa kaniyang girlfriend na si Shangfei, at sa kaniyang mga magulang na sina Huang Chaoyung at Wen Lishan. “Please allow [us to] say sorry to all of you for bringing you so much tr0uble and panic. It’s our fault to travel at this special occasion, just during the period of disease. Please forgive us,” sabi nila.

Imahe mula sa Facebook | Daphne Faith Gabaldon

Ayon sa ulat ng GMA News, Enero 27 nang dumating ang apat sa Pilipinas at saka pumunta sa Lucena. Doon ay sumakay sila ng RORO patungong Marinduque at Romblon, kung saan nagpatupad naman ng quarantine para sa lahat ng mga nagmula sa China.

Sa kabila ng maraming racist posts sa social media, naging mabuti raw ang mga nakasalamuhang Pilipino ng apat na Intsik.

“We four have never dreamed of being treated so kindly when we have been isolated. Food, drinks, meals, clothes, and other daily goods. You are so nice and friendly and just took us as your own,” sabi nila.

Nasa Maynila na sila kung saan nila ipagpapatuloy ang limang araw na self-quarantine dahil tiniyak ng Provincial Health Officer ng Romblon na wala silang sintomas ng nCoV. “Wala silang fever, wala silang c0ugh, wala silang c0lds. Okay lang sitwasyon nila, nag-jogging pa sila sa ospital,” sabi ni Dra. Ederlina Aguirre.

Loading…