Pokwang sa paghahalintulad ng sarili kay international singer Jennifer Lopez: “Age is just a number”

  • Kabog, sa salitang makabago, ang larawang ibinahagi ni Pokwang sa kaniyang Instagram post
  • Inihalintulad niya ang kaniyang pigura at katawan sa idolong si Jennifer Lopez o J.Lo
  • Aniya, ang edad ng tao ay numero lamang, at mas mahalaga pa ring tumanda nang may pinagkatandaan

Isa sa mga patuloy na hinahangaang singer at performer sa buong daigdig ang American actress, dancer, fashion designer, producer at businesswoman na si Jennifer Lopez, na kilala rin bilang “J.Lo”.

Tila yata isa siya sa mga nakasumpong ng “fountain of youth” dahil sa kabila ng kaniyang edad, kaakit–akit pa rin ang kaniyang anyong tila hindi tumatanda, at napanatili pa rin ang markadong imbay, tikas ng katawan at enerhiya sa pagtatanghal

Imahe mula sa Instagram account ni Pokwang

Hindi maitatatwang isa siya sa mga idolo at modelo ng mga babaeng halos kasing–edad niya. Hindi madaling mamintina ang pigura ng katawan lalo na’t nadadagdagan ang edad taon–taon.

Isa na riyan ang sikat na komedyanteng si Pokwang matapos ihambing ang kaniyang magandang larawan kay J.Lo, batay sa kaniyang Instagram post.

Ayon sa kaniyang caption, “Momshies power! Age is just a number hahaha, ‘di ba? Ang importante, tumanda ka ng may pinagkatandaan (lahat tayo ay tatanda rin) so be happy and be nice ‘ika nga, I love you J. Lo, you’re my inspiration!”

Napa–wow naman ang mga kasamahang celebrity at netizens sa mga larawan ni Pokwang at J. Lo, at hindi nila napigilang magkomento sa IG post ni Pokwang.

Sabi ng isa, “Iba ka talaga, Mamang! Akala ko kambal na kayo ni J. Lo eh.

“Kabogera ka talaga, Miss Pokwang! I’m so happy that you came back on TV. Marami po kayong napapasaya. Stay healthy and beautiful!,” bulalas at paalala naman ng isang netizen.

Komento naman ng isa, “Mahirap ma–maintain ang sexy figure lalo na kapag nagkakaedad na, pero bilib ako sa mga artistang katulad ninyo na aging gracefully.”

Imahe mula sa Instagram account ni Pokwang

Sa Pilipinas, ilan pa sa mga female celebrity na tila hindi tumatanda, halos hindi nagbago ang hitsura at hanggang ngayon ay aktibo pa rin sa showbiz ay sina Ina Raymundo, Alice Dixson, Dawn Zulueta, at Gretchen Barretto.

Samantala, si Pokwang na “Marietta Subong–O’ Brian” sa tunay na nitong pangalan, ay malapit nang maging golden age (50 taong gulang) sa Agosto 27, 2020. Masaya ang kaniyang married life kasama ang American actor na si Lee O’ Brian na nakatrabaho niya sa pelikulang “Edsa Woolworth” noong 2015. Biniyayaan sila ng isang supling na nagngangalang Malia Francine.

Loading…