Pope Francis nakipagkamay sa babaeng napalo niya sa isang viral video

Imahe mula sa Vatican Media
  • Nagkita si Pope Francis at ang babae na napalo niya matapos siyang hilahin noong New Year’s Eve
  • Matatandaang naging usap-usapan sa social media ang video na nagpapakita ng tensyon sa pagitan ng dalawa
  • Humingi rin noon ng paumanhin si Pope Francis at sinabing minsan talaga ay nawawalan ng pasensiya ang isang tao

Nagkita at nagkamay si Pope Francis at ang babae na napalo niya matapos siyang hilahin nito noong New Year’s Eve sa St. Peter’s Square sa Vatican.

Imahe mula sa video ng ABS-CBN News/Reuters via Facebook

Ayon sa CBCP News, nangyari ang pagkikitang ito noong Enero. May larawan din ang dalawa kung saan makikitang nakangiti silang nagkakamayan.

Matatandaang naging usap-usapan sa social media ang mga video na nagpakita ng tensyon sa pagitan ng dalawa. Masayang bumabati noon sa mga deboto bago salubungin ang Bagong Taon ang Santo Papa. Pagkatapos niyang hawakan ang mga bata ay tumalikod na si Pope Francis para umalis ngunit bigla na lamang siyang hinatak ng isang babae.

Makikitang may sinasabi ang babae habang hawak pa rin ang kamay ng 83 anyos na Papa. Dalawang beses niya itong pinalo sa kamay bago siya binitawan ng babae at saka siya nakasimangot na umalis.

Imahe mula sa Instagram | Pope Francis

Humingi naman agad ng paumanhin si Pope Francis sa kaniyang naging reaksyon at sinabing minsan talaga ay nawawalan ng pasensiya ang isang tao.

“We often lose patience. So do I. And I apologize for yesterday’s bad example,” sabi niya.

Marami naman ang nakaunawa sa kaniya dahil tila nasaktan daw talaga siya sa pagkakahila ng babae. “It was obvious that the Pope got hurt when the woman pulled his wrist. His reaction was very normal. Anyone who gets hurt will do the same,” sabi ng isang netizen.

Sa unang misa niya para sa taong ito ay tinawag ng Santo Papa ang lahat ng “vi0lence against women” na “pr0fanation of God, born of a woman.”

Loading…