Pope Francis sa mga Katoliko ngayong Lent: Iwasan mang-insulto sa social media

Imahe mula sa Instagram | Pope Francis
  • Sinabihan ni Pope Francis ang mga Katoliko na gamitin ang Lenten Season upang tumahimik sa gitna ng ingay ng mundo
  • Pinayuhan niya rin ang mga ito na tigilan ang panlalait at pagpapakalat ng tsismis
  • Kahit mahirap daw ito ay kinakailangan nilang subukan

Nananawagan sa mga Katoliko si Pope Francis na gamitin na pagkakataon ang Lenten Season upang lumayo muna sa ingay at gul0 ng social media sa pamamagitan ng pagtigil sa pangto-troll ng kapwa.

Imahe mula sa Instagram Pope Francis

Sinabi ito ng Santo Papa sa kaniyang misa sa St. Peter’s Square para sa Ash Wednesday, ang simula ng Kuwaresma.

“Lent is the right time to make room for the Word of God. It is the time to turn off the television and open the Bible. It is the time to disconnect from your cell phone and connect to the Gospel,” sabi niya, ayon sa Catholic News Agency.

Katulad daw ng Panginoon na pumunta sa disyerto upang magdasal at mag-ayuno, dapat daw ituon ng mga mananampalataya ang kanilang atensyon sa pananalangin at hindi sa tsismis at panlalait sa social media.

Imahe mula sa Instagram | Pope Francis

“We live in an environment polluted by too much verbal violence, by many offensive and harmful words, which the internet amplifies. We are inundated with empty words, with advertisements, with subtle messages. We have become used to hearing everything about everyone and we risk slipping into a worldliness that atrophies our hearts,” he said. “We struggle to distinguish the voice of the Lord who speaks to us, the voice of conscience, of good.”

Bagama’t hindi raw madali ang manahimik sa panahong ito, hinihimok niya ang mga Katoliko na subukan ito.

“We chase a thousand things that seem necessary and in reality are not. How good it would be for us to get rid of so many superfluous realities, to rediscover what matters, to find the faces of those around us.”

Loading…