Pops Fernandez naka-duet si Jose Manalo na in-impersonate si Martin Nievera; netizens na-good vibes

  • Trending sa social media ang duet nina Pops Fernandez at Jose Manalo sa “Bawal Judgmental” segment ng Eat Bulaga
  • Ginaya kasi ni Jose ang dating asawa ni Pops na si Martin Nievera na nagbigay ng ngiti sa mga Dabarkads
  • Umabot na sa milyong views at libo-libong reactions ang kwelang duet na ito nina Pops at Jose 

Patok sa mga manonood ang bagong segment ng Eat Bulaga na “Bawal Judgmental.” Maliban kasi sa magagandang paksa nila sa mga subject nila sa nasabing laro, nakadaragdag din ng aliw ang mga Dabarkads host at maging ang kanilang mga guest.

At sa isang espesyal na episode nga ng Bawal Judgmental, nai-guest nila ang nag-iisang Concert Queen na si Pops Fernandez. Ngunit bago sumalang sa mismong laro, pinaunlakan muna ni Pops ang programa at ipinarinig ang kanyang magandang tinig.

Larawan mula sa YouTube

Inawit ni Pops ang isa sa mga pinakasikat niyang awitin na Bakit Ngayon Ka Lang. Ngunit dahil duet ito, hiningi niya ang tulong ng komedyante at singer na si Jose Manalo.

Noong una ay nagpapakipot pa si Jose at sinasabing nahihiya siyang makasama sa pagkanta si Pops, pero nagpaunlak din ito na nagbigay saya sa mga manonood.

At dahil nga si Pops ang guest, inilabas ni Jose ang husay sa panggagaya. In-impersonate niya ang Concert King at dating asawa ni Pops na si Martin Nievera. Ginaya ni Jose ang galaw at mannerisms ni Martin tuwing kumakanta na nagpahalakhak naman sa isa pang host na si Bossing Vic Sotto.

Maya-maya pa ay nakilala na rin ni Pops ang ginagaya ni Jose. Hindi ito nakapasok agad sa bahagi niya sa kanta dahil natatawa ito. Tinanong pa niya si Jose ng “Martin, ikaw ba ‘yan?” at sa wakas ay nakaawit na rin ang natatawang si Pops.

Dahil sa kwelang duet na ito nina Pops at Jose as Martin, viral ngayon sa Facebook ang ni-reupload na video ng page na Solid Dabarkads. Umani lang naman ito 1.7 million views, 36,000 reactions, halos 1,000 comments, at 6,600 shares.

Larawan mula sa YouTube

Nagbigay ng komento ang mga manonood sa naging performance nina Jose at Pops.

Sabi ng ilan ay wala pa ring kupas at mahusay pa ring umawit ang Concert Queen kahit hindi na ito ganoon kaaktibo sa showbiz. Marami din ang pumuri kay Jose dahil kahit daw na pabiro ang performance nito ay talaga namang maganda ang kanyang boses at puwedeng makipagsabayan sa mga pro na tulad ni Pops.

“Very talented ka talaga, Jose! Mapasayaw, mapakanta, mapa-comedy. Nasa iyo na ang lahat!” pahayag ng isang netizen na naaliw sa husay ni Jose.

Panoorin ang kwelang duet nina Pops at Jose:

Source :

Facebook, YouTube

Loading…