Pre-sale ng newest album ng K-Pop superstar band BTS umabot na sa mahigit 4 million

  • Pre-sale ng “Map of the Soul: 7” album ng BTS mahigit 4 million na
  • Ang album ay sa February 21, 2020 pa ire-release
  • Inaasahang madaragdagan pa ang pre-orders bago ang release date

Hindi pa man nare-release ang pinakabagong album ng Koren pop band na BTS ay hindi na nag-aksaya ng oras ang mga tagahanga ng grupo para masigurong magkakaroon sila ng kopya nito sa lalong madaling panahon.

Imahe mula sa official BTS Facebook page

Ang fans ng grupo na tinatawag na ARMY ay walang humpay sa pag-order ng “Map of the Soul: 7” mula pa noong sinimulan ang pre-selling ng album noong January 9, 2020. At ngayon nga, ayon sa Forbes, ay mayroon na itong mahigit 4 million pre-orders.

Isang kasaysayan ang nagawang ito ng BTS dahil ang mga music lovers ngayon ay hindi na bumibili ng mga album. Nagbabayad na lang sila sa mga music streaming service providers kapag na-release na ang mga kanta ng kanilang music idols.

Bihirang-bihira na para sa kahit sinong musicians, kahit na ang pinaka-successful sa industriya, na makabenta ng 4 million copies ng album, lalo na ‘yung hindi pa nare-release.

Sa February 21, 2020 pa ang release ng “Map of the Soul: 7.” Inaasahan na tataas pa ang bilang ng pre-orders bago pa dumating ang release date. Ngunit kahit hindi na madagdagan kahit isa ang pre-order, sigurado na ang album na magiging isa sa bestselling releases sa taong 2020.

Imahe mula sa official BTS Facebook page

Ang BTS ay binuo ng composer na si Bang Si-hyuk, kilala sa tawag na “Hitman,” sa pamamagitan ng mga auditions.

Ang underground rapper na si RM ang unang na-recruit noong 2010 at siya ang tumatayong leader ng BTS. Sumunod ang isa pang underground rapper na si Min-Yoon-gi (Suga) noon ding taong iyon.

Ang sumunod ay ang mga dancer na sina Jung Ho-seok (J-Hope), Jeon Jung-kook (Jungkook) at Park Ji-min (Jimin). Sinundan sila ng singer na si Kim Tae-hyung (V) at aktor na si Jin.

Imahe mula sa official BTS Facebook page

Loading…