Preview pa lang ng kanta ni Marcelito Pomoy sa semi-finals ng AGT: The Champions, nag-viral na

  • Preview ng kanta ni Marcelito Pomoy sa semi-finals ng AGT: The Champions nag-viral
  • Kinanta ni Marcelito ang “Time to Say Goodbye” na duet nina Andrea Bocelli at Sarah Brightman
  • Mapapanood ang buong performance ni Marcelito sa February 3 (February 4 sa Pilipinas) episode ng AGT The Champions

Matapos ang ilang linggo ng mga ispekulasyon kung ano ang aawitin ni Marcelito Pomoy sa semi-final round ng America’s Got Talent (AGT): The Champions, inilabas ng naturang reality show ang preview ng kinanta niya.

Screenshot mula sa video ng AGT The Champions

Inilabas ng AGT sa website nito ang preview ng performance ni Marcelito noong Sabado, ika-1 ng Pebrero, kung saan kinanta niya ang “Time To Say Goodbye”; isang duet ng Italian opera singer na si Andrea Bocelli at English singer na si Sarah Brightman.

Ang original version ng naturang awit ang itinuturing na signature song ni Bocelli na pinamagatang “Con Te Partiro.”

Mapapanood ang buong performance ni Marcelito sa February 3 (February 4 sa Pilipinas) episode ng AGT The Champions.

“This voice is just ICONIC!  when America’s Got Talent: The Champions continues Monday 8/7c on NBC,” post ng AGT.

Hindi pa man naipalalabas ang buong performance niya ay umabot na sa mahigit 2,300,000 ang views ng preview.

Isang netizen na nakapanood ng video ang nagsabi na gusto niya ang reaksyon ng mukha ni Simon Cowell na isa sa mga judges ng show.

Screenshot mula sa video ng AGT The Champions

Narito pa ang ilan sa mga komento ng mga tagahanga ni Marcelito:

“We are looking at a possible 1,000,000 views in less than 24 hours, has AGT ever seen something like this and it’s just even a preview, not the full view yet!”

“Can’t wait to see the full episode! Alright, 100 votes from me. I want this guy to win. ‘Coz easy for recording duet songs. No need female singer, save payment.”

“No gimmicks, no tactics, no cheats, no movements which could be dangerous just for good impressions, just plain talent.”

“This is only preview but in less than 24hrs the views already got 1Million. AGTChampions know how.”

Ang video ng naunang performance ni Marcelito sa AGT The Champions noong ika-18 ng Enero kung saan kinanta niya ng “The Prayer” na duet ni Andrea Bocelli at Celine Dion ay mayroong 48 million views.

Panoorin ang preview ng semi-finals performance ni Marcelito Pomoy:

Source :

YouTube, Facebook

Loading…