Promise fulfilled! Estudyante, nakatanggap ng certificate sa tarp mula sa guro

Imahe mula sa Facebook | Nerriza Domingo
  • Usap-usapan ngayon sa social media ang pakulo ng isang guro para mas magpursigi ang kaniyang estudyante
  • Kuwento niya, may kakayahan naman daw ito kaya sinabihan niya itong tarpaulin ang matatanggap na certificate kung magiging ‘with honors’
  • Naging epektibo ang motibasyon niyang ito kaya naman tarpaulin nga ang natanggap nitong certificate

Maituturing na reward para sa mga estudyante at kanilang mga magulang o guardian kapag nakakakuha sila ng award sa eskwelahan. Kaya naman tuwing katapusan ng bawat grading period ay tiyak na inaabangan nila ang announcement ng honor roll.

Imahe mula sa Facebook | Nerriza Domingo

Kaya naman ang gurong si Nerriza Domingo ng isang eskwelahan sa Navotas, gumawa ng paraan upang hikayatin na mas magsikap si Fritz Gerald, ang mag-aaral na napapansin niyang may kakayahan namang maging “with honors.”

“Ito ang istorya, [sabi ko], ‘pag nakapasok ka sa ‘with honors,’ tarpaulin ang certificate mo. Napakagaling naman kasi ni bagets,” kuwento niya sa caption ng kaniyang post.

May duda man ang estudyante kung totoo ang sinasabi ng guro ay nagsikap ito.

“Upon issuance ng card nilapitan niya ko hawak yung card niya with calculator (kasi siya na nag-compute ng average niya for third grading) sabi niya ‘ma’am paano po ba ‘yan, pasok po ako sa with honors, ‘yung tarp ko,'” kuwento niya.

Ang guro, tumupad naman sa kaniyang pangako. Nakipagsabwatan pa ito sa adviser ng estudyante upang ibigay ang certificate of recognition na naka-tarpaulin nga.

Imahe mula sa Facebook | Nerriza Domingo

Ang kaniyang pakulo, nagsilbi raw motibasyon para kay Fritz upang mas magsikap sa kaniyang pag-aaral. “Kadalasan kasi nagde-dare ako sa mga bata ko, pero tokens lang ibinibigay or iti-treat ko sila. Nakatataba ng puso yung simpleng biruan sa room ay puwede rin palang [maging] paraan sa progreso nila,” sabi niya. “Aba, nagseryoso e, nakapasok sa with honors. Tumutupad lang ako sa ipinangako ko.”

Komento ng isang netizen, “Kaya pala nagtatanong ka nung nakaraan kung magkano tarpaulin. Iba ka talaga ma’am. Motivated ang mga bata sa ginawa mong iyan.” Ang kuwentong ito, ibinahagi rin ng Philippine Star at nakakuha na ng halos 7k reactions at 3k shares.

Paliwanag pa ni teacher, may pahintulot daw mula sa bata at sa adviser nito ang pagbabahagi ng kuwentong ito.

Loading…