Puppy love: Dalawang bata na magkahawak ng kamay habang naglalakad, naghatid ng good vibes online

  • Trending sa social media ang larawan ng dalawang bata na naglalakad habang magkahawak ng kamay
  • Marami ang napa-reminisce sa kanilang puppy love days at sinabing ganito rin daw sila noong bata
  • Ang iba namang adults ay napa-sana all na lang dahil sa sweet na larawan ng dalawang bata

Sinasabing ang pag-ibig ay isang bagay na para lamang sa dalawang taong nasa wastong gulang. Ngunit aminin man natin o hindi, ang paghanga sa iba ay nagsisimula kahit sa murang gulang. Dito nagbunsod ang terminong puppy l0ve kung saan mayroong matamis na pagsasamahan ang dalawang bata ngunit hindi pa ito kasing lalim o seryosong ugnayan gaya ng sa mga matatanda.

Nagiging masayang bahagi lang ng kabataan ng marami ang mga ganitong yugto. Pati kani-kanilang mga magulang, kahit papaano ay nabibigyan ng ngiti kapag nalamang mayroong puppy l0ve ang kanilang mga anak.

Larawan mula sa Facebook page na Estudyante Problems

Ganito ang mensahe ng larawang in-upload ng Facebook page na Estudyante Pr0blems.

Makikita ang mga larawan ng dalawang bata na sweet na sweet na HHWW o holding hands while walking. Naglalakad sila papasok sa kanilang eskwelahan habang suot ang kanilang uniporme at school bag. Nagdala ng ngiti sa mga netizens ang larawan ng dalawang bata.

Ayon sa kanila, naaalala raw nila ang kanilang kabataan. Mayroon din daw sila noong espesyal na kaibigan na lagi nilang kadikit. Wala pa raw malisya noong mga panahong iyon kaya kahit anong panunukso ng mga tao sa kanilang paligid ay balewala lang.

May ilang nasa wastong edad na netizens ang napakomento rin. Sigaw nila, “sana all” daw ay mayroong kahawak-kamay. Daig pa raw sila ng mga bata na tila nahanap na ang kanilang forever. May mga kaibigan din na nagta-tag sa kanilang mga kaibigan at sinabing bilis-bilisan na ang paghahanap dahil naunahan na sila ng mga bata.

Image via Pixabay

“Kabog ka friend. Ano na? Abaaa… Kilos-kilos na ghorl…” sabi ng isang netizen sa kanyang kaibigan. May sumagot naman na tila naiinggit sa mga bata at sinabing “e di kayo na ang meron…”

Para naman sa ibang netizens, baka raw nabigyan lang ng kulay ang larawan. Maaari naman daw kasing magkapatid lamang ang dalawa.

Gayunman, anuman ang totoong ugnayan ng dalawang bata sa larawan, malinaw naman ang mensaheng iniiwan nito sa mga makakikita — na tunay ang pagmamahal na ibinibigay ng mga inosentong paslit tulad ng mga batang magkahawak kamay sa larawan.

Loading…