PUV drivers at mga konduktor inatasan ng LTFRB na magsuot ng face masks

  • PUV drivers at conductors inatasan ng LTFRB na magsuot ng face masks habang naka-duty
  • Inatasan din nito ang mga terminal operators na panatilihin ang kalinisan at magbigay ng face masks at sanitizer na libreng magagamit ng mga pasahero
  • Inatasan din ng Grab Philippines ang lahat ng driver/partners nito na magsuot ng face mask

Inatasan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang lahat ng public utility vehicle (PUV) drivers at conductors na magsuot ng face masks kasunod ng kumpirmasyong may kaso na ng novel coronavirus (nCoV) sa bansa.

Imahe mula sa CDODev

Inatasan din ng ahensya ang mga franchise holders o mga transportation companies na siguruhin ang kanilang pagtalima sa direktiba.

Batay sa Memorandum Circular 2020-005 ay ipinag-utos ng LTFRB sa mga tsuper at konduktor “to properly wear face masks at all times while on duty, and for all franchise holders to ensure their compliance.”

“All terminal operators are likewise directed to ensure proper sanitation and cleanliness in their premises, as well as provide face masks and disinfectants or sanitizers for free use to passengers,” ayon pa sa memorandum.

Ang direktiba ng LTFRB ay magiging epektibo matapos itong mailathala sa isang “newspaper of general circulation” at mai-file ang mga kopya nito sa University of the Philippines Law Center.

Nagpahayag naman ang Grab Philippines na pagsusuotin nila ng face masks ang kanilang drivers/partners.

Imahe mula sa CDODev

Ang unang pasyente na nagpositibo sa nCoV sa bansa na isang 38-year-old female Chinese national ay kasalukuyang ginagamot sa San Lazaro Hospital sa Sta. Cruz, Maynila. Nasa isolation room ito mg ospital. Tiniyak ng Department of Health na hindi palalabasin ng ospital ang pasyente hanggang hindi pa nagnenegatibo ang lahat ng laboratory tests nito.

Mahigpit ngayong ipinatutupad ng San Lazaro Hospital ang “no face mask, no entry policy. Obligado ang lahat ng empleyado ng ospital na  magsuot ng face mask.

Loading…