Quezon shrine o aircon? Netizen natuklasan ang “totoong” rason kung bakit malamig sa Quezon City

  • Viral ngayon sa social media ang “dahilan” kung bakit daw malamig sa buong Quezon City
  • Ito raw ay dahil sa Quezon Memorial Shrine na in-edit ng isang netizen at ginawang 66-feet na aircon
  • Maraming netizens naman ang na-good vibes sa post na ito sa Facebook

Patuloy na lumalamig ang panahon sa buong bansa ngayon. Sa Cordillera, naitatala ang pinakamalamig na temperaturasa bansa. Hindi rin naman pahuhuli ang Metro Manila na nakararanas din ng kakaibang lamig lalo na tuwing gabi at madaling araw.

Tanong tuloy ng ilang netizens, saan daw ba galing ang malakas na hangin at malamig na klima sa Metro Manila na kadalasan ay mainit ang panahon? Nasagot naman ito ng malikhaing isip ng isang social media user na may angking husay sa pag-eedit ng larawan.

Larawan mula sa Facebook post ni Carl David Montalvo

In-upload ng netizen na si Carl David Montalvo ang larawan ng Quezon Memorial Shrine na in-edit niya upang gawing napakalaking air conditioning unit na dahilan daw kung bakit napakalamig sa buong Quezon City ngayon.  Animo’y winter din sa paligid ng Quezon Memorial Circle dahil nilagyan pa ng disenyong snowflakes ni Montalvo ang kanyang edited na larawan.

Nakiusap pa siya sa Mayor ng QC na si Joy Belmonte na sana ay pahinaan ang tila pambansang aircon dahil mahirap daw maligo sa umaga. Agad namang nag-viral sa social media ang edited na larawang ito. Umani lang naman ng 2,500 reactions na karamihan ay ‘haha’ at 5,600 shares wala pang dalawang araw matapos i-upload.

Kanya-kanya naman ng komento ang mga netizens patungkol sa nakaka-good vibes na editing skills ni Montalvo.

Ayon sa ilan, dapat na raw baguhin ang tawag sa dambana ng ama ng wikang pambansa na si Manuel L. Quezon.  Dapat na raw itong tawaging “Quezon Memorial Aircon” dahil ito pala ang dahilan ng paglamig sa lungsod.

Larawan mula sa Facebook post ni Carl David Montalvo

“Hahaha. Ito pala ang salarin. Hindi pala ito Quezon Memorial Shrine, ito na pala ang Quezon Memorial aircon,” sabi ng isang netizen na nag-share ng viral na larawan.

Matatagpuan ang Quezon Memorial Shrine sa Quezon City Circle kung saan sa ilalim nito ay makikita ang isang museo na itinayo para kay Manuel L. Quezon. May taas ang nasabing dambana na 66 feet, alinsunod sa edad ni Quezon nang siya ay yuma0.

Loading…