“Rap God” music video ni Eminem umabot sa higit 1 billion YouTube views

  • “Rap God” music video ni Eminem umabot na sa mahigit 1 billion views sa YouTube
  • Ito ang ikatlong music video ni Eminem na may mahigit 1 billion views
  • Ang “Rap God” ay umabot sa number 7 sa Billboard Hot 100 noong taong 2013

Isa na namang major milestone ang nakamit ng hip hop superstar na si Eminem, Marshall Bruce Mathers III sa tunay na buhay, matapos makakuha ng mahigit 1 billion views ang kanta niyang “Rap God” sa YouTube.

Screenshot ng mula sa Rap God video ni Eminem

Ang “Rap God,” na umabot sa number 7 sa Billboard Hot 100 noong taong 2013, ay ang ikatlong music video ng American rapper na nahigitan ang isang bilyon ang views. Ang dalawa pa ay ang “Love the Way You Lie” at ang “Not Afraid” na parehong chart-topping hits noong taong 2010.

Ang ”Rap God” ay ini-release ni Eminem bilang third single ng The Marshall Mathers LP 2. Nakagawa rin ang hip hop artist ng Guiness World Record sa nasabing kanta para sa “most words in a hit single” kung saan umabot sa 1,560 words ang binigkas niya sa loob ng anim na minuto.

Sa pinakamabilis na bahagi ng “Rap God” ay bumigkas si Eminem ng 6.46 words per second, pero hindi na ito ang pinakamabilis niyang pag-rap. Nahigitan niya ito sa kantang “Godzilla” sa bago niyang album kung saan 7.46 words per second ang bilis niya sa last verse ng nasabing kanta.

Screenshot mula sa Rap God video ni Eminem

Sa kabila ng bilyong views ng tatlo niyang kanta, hindi hawak ni Eminem ang record para sa “most-viewed rap video of all time.” Hawak ito ng “See You Again” nina Wiz Khalifa at Charlie Puth na may 4.418 billion views. Ang  most-viewed music video of all time naman ay hawak ng “Despacito” nina Luis Fonsi at Daddy Yankee na may 6.632 billion views.

Loading…