Recording artist na! Unang kanta ni Ivana Alawi na ‘Sana All’ tungkol sa mga babaeng maganda ngunit single

  • Isa nang ganap na recording artist ang sikat na Internet personality na si Ivana Alawi
  • Pinamagatan ang kanyang unang kanta sa Star Music na ‘Sana All’
  • Tungkol ito sa mga katulad niyang babaeng magaganda ngunit walang dyowa

Ginulat ng modelo at baguhang actress na si Ivana Alawi ang social media dahil sa kanyang trending vlogs. Mula sa pranks, make up tutorials, at mga video tungkol sa kanyang activities sa harap at likod ng camera ay tumabo ng milyon-milyong views. Isa na nga siya sa most followed YouTuber sa Pilipinas.

At matapos ang ilang supporting roles, nakapirma na si Ivana ng exclusive management contract sa ABS-CBN at nakatakdang bumida sa kanyang sariling teleserye. Ngunit bago ipakita ang talento sa pag-arte, sa pag-awit muna magpapasiklab ang tinaguriang bagong pantasya ng bayan.

Larawan mula sa Instagram account ni Ivana Alawi

Inilabas na ni Ivana ang kanyang unang kanta na pinamagatang Sana All. Ang kanta ay tungkol sa mga babaeng katulad niya na maganda ngunit walang kasintahan o sa madaling salita ay single. Kapansin-pansin na ginamit sa liriko ng unang single ni Ivana ang mga sikat na millennial lines.

Maliban sa pamosong terminong ‘sana all,’ narinig din sa kanta ang ilang sikat na kataga ngayon tulad ng ‘awit,’ ‘oppa,’ at ‘K-drama.’ Mayroon din itong danceable na beat kaya naman inaasahan din ng fans niya na maglalabas siya ng official dance video para sa kanyang pinakabagong awitin.

Noong araw ng release, agad na ibinahagi ni Ivana ang snippet ng kanyang kanta. Sinabi niya rin na mapapakinggan na ito sa music streaming application na Spotify, iTunes, Apple Music, Deezer, at maging sa YouTube na may official lyric video na.

Dalawang araw nga matapos ang release ng lyric video ay umani na ito ng higit 200,000 views. Nagpaabot naman ng pagbati at komento ang fans ni Ivana sa kanyang bagong milestone. Sabi nila, deserve ng kanilang idolo ang lahat ng success dahil pinagsikapan daw itong makamit ni Ivana.

Larawan mula sa Instagram account ni Ivana Alawi

“Deserve mo lahat ng blessing, Ms. Ivana. Ngayon naman eh recording artist ka na. Di na kami magugulat kung mag-million ang views nito,” sabi ng isang fan ng seksing aktres.

Sabi pa ng ilan, excited na raw silang marinig si Ivana na awitin ang kanyang single nang live sa ASAP Natin ‘To at magkroon ng collaboration sa iba pang sikat na Kapamilya singer at performers.

Pakinggan at mapaindak sa unang single ni Ivana mula sa Star Music:

Source :

YouTube, Twitter

Loading…