Regalo sa Valentine’s Day na perang ginawang bulaklak, nagdulot ng halakhak

  • Patok sa mga netizens ang perang ginawang bulaklak na maaaring ibigay sa kasintahan o loved ones sa Valentine’s Day
  • Ang Valentine’s Day o Araw ng mga Puso ay ipinagdiriwang taon–taon tuwing Pebrero 14
  • Umani naman ito ng komento mula sa mga netizens

Malapit na naman ang pagdiriwang ng Valentine’s Day o Araw ng mga Puso. Tiyak na marami na namang pakulo ang mga magsing–irog kung paano ito ipagdiriwang. Isa na rito ang pagkain sa labas, pamamasyal, o simpleng pagbibigay ng tsokolate, stuffed toy, o bouquet of flowers.

Kaya naman, nagdulot ng halakhak sa mga netizens ang larawang ibinahagi sa mga Facebook pages na “Sales Agent of Internet Fiber Cavite” at “Unworthy” kung saan makikita ang 500 at 1,000 peso bills na ginawang hugis–bulaklak, at inilagay pa sa pulumpon, na maaari daw ipanregalo sa kasintahan sa darating na Valentine’s Day.

Imahe mula sa Facebook page na Sales Agent of Internet Fiber Cavite

Sa isang larawan, makikitang mistulang “blue rose” ang 1,000 peso bill, habang sa iba pang mga larawan, inilagay naman sa bouquet ang mga pera. Tiyak daw na agad na kukunin ng kasintahan ang naturang “mga bulaklak”. Maaari ding gawing bulaklak ang pinagsama–samang barya.

Nagbigay naman ng komento rito ang mga netizens.

Sabi ng isa, “Paborito ko talaga ang mga ganiyang flowers! Hahaha. Kahit marami pa iyan, pagtitiyagaan kong iuwi sa bahay hahaha.”

“Kahit isa lang na ganito, solve na solve na ako my love! Hindi ko kailangan ng bulaklak or papel,” pakiusap naman ng isang babae sa kaniyang nobyo.

Turan naman ng isa, “Ayos ‘yan ah. Nice idea! Hindi lang iyan pwedeng ibigay sa dyowa, kahit sa mga parents din. Matutuwa pa sila for sure.”

Imahe mula sa Facebook page na Sales Agent of Internet Fiber Cavite

May paalala naman ang isang netizen sa lahat ng mga magkasintahan o couple na magdiriwang ng Valentine’s Day. Aniya, “Hindi mahalaga kung mahal o mura ang regalo o token para sa Valentine’s Day. Mas mahalaga pa rin na bukal sa puso ang pagbibigay. Mas masarap pa rin sa pakiramdam na kasama mo ang mahal mo.”

Ikaw, anong ibibigay mo sa loved ones mo sa paparating na Valentine’s Day?

Loading…