“Reigne,” bagong makeup line ni Regine Velasquez at ng BYS Cosmetics

  • Mangilan-ngilan na rin ang mga artistang may sariling makeup line dahil na rin sa hilig nila sa makeup
  • At ang pinakabagong celebrity na may sarili nang makeup line ay ang “Asia’s Songbird” na si Regine Velasquez
  • Ang kolaborasyong ito ni Regine at ng BYS Cosmetics ay pinangalanang “Reigne”

May sarili na ring makeup line ang “Asia’s Songbird” na si Regine Velasquez-Alcasid. Mula pa noong nagsisimula pa siyang lumahok sa mga amateur singing contest ay pinag-eeksperimentuhan na niya umano ang sarili sa paglalagay ng makeup.

Imahe mula sa Facebook page ng BYS Cosmetics PH

Ayon sa report ng PhilStar, dahil sa pakikisalamuha niya sa iba’t ibang makeup artists ay iba-iba ang kaniyang itsura. Ngunit dahil sa kagustuhan niyang magkaroon ng isang markadong itsura, pinag-aralan niyang mabuti ang tama at angkop na makeup na babagay sa kaniya.

At sa nakalipas na panahon, malimit na siya na lamang ang nag-aayos sa kaniyang sarili at hindi na humihingi pa ng tulong sa ibang makeup artists. Isa si Fanny Serrano sa mga hinahangaan niyang makeup artist at dito siya natuto sa ‘art of blending.’

Kaya nang offeran siya ng BYS, isang international cosmetics company, ay napa-oo agad ang misis ni Ogie Alcasid.

Ang kolaborasyong ito ni Regine at ng BYS ay pinangalanang “Reigne.”

“We made the collection very easy to use for the working, very active women out there, ‘yun bang tipong konti lang ang ilalagay mo, you can go na to the office,” sabi ni Regine sa panayam ng PhilStar.

Kabilang sa koleksiyong ito ang powder brush, brow pencil, lipstick, eyebrow palette, eye shadow palette, at lipstick set.

Paborito naman ni Regine sa koleksiyong ito ang Duo Powder Palette kung saan magkasama na ang foundation at concealer.

Imahe mula sa Facebook page ng BYS Cosmetics PH

“I’m very excited about it and at the same time, I’m very proud of it because if I’m not mistaken, it’s the first of its kind!’ dagdag pa ng mang-aawit.

Sa Pebrero 29, 2020 ay nasa SM Megamall Fashion Hall si Regine para sa promosyon ng kaniyang pinakaunang makeup line.

 

View this post on Instagram

 

Thrilled to know more about REIGNE? Join me on February 29 at SM Megamall Fashion Hall! Go to BYS @byscosmetics_ph Instagram account and get a chance to experience REIGNE during the launch. Don’t forget to head over to beautybeat.ph for the pre-selling! #REIGNEwithBYS #BeYourOwnExpert

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid) on

Loading…