Reina Hispanoamericana Winwyn Marquez, hindi sasali sa Miss Universe PH 2020; sinabing kontento siya sa kanyang korona

  • Hindi raw sasali si Winwyn Marquez sa Miss Universe Philippines 2020
  • Kuntento na umano siya sa kanyang koronang unang Reina Hispanoamericana mula sa Pilipinas
  • Nagpapasalamat naman si Winwyn sa lahat ng sumusuporta sa kanya hanggang ngayon

Sa pagpasok ng 2020, panibagong oportunidad para sa mga aspiring beauty queens ang mayroon ang taong ito dahil mas lumawak at dumami ang beauty pageants na maaari nilang salihan. Ngayong taon kasi gagawin ang unang Miss Universe Philippines pageant at hindi na ito kasama sa major crowns ng Binibining Pilipinas.

Maraming beteranang pangalan ang naging maugong na muling susubukan ang kanilang suwerte at galing upang maging susunod na kinatawan ng bansa sa Miss Universe pageant. Isa sa mga unang lumutang na pangalan ay si Teresita Ssen ‘Winwyn’ Marquez na dati nang sumali sa Binibining Pilipinas at Miss World Philippines.

Larawan mula sa Instagram account ni Winwyn Marquez

Nabigo man siya sa Binibining Pilipinas noong 2015, naiuwi naman niya ang korona bilang Reina Hispanoamericana noong 2017, unang beses na nakuha ng isang Pinay ang titulo sa nasabing prestihiyosong Latina pageant.

Ngunit nilinaw ni Winwyn na hindi siya sasali sa Miss Universe Philippines 2020; taliwas sa mga bali-balita sa social media.  Sinabi ng 27-anyos na beauty queen, actress, at dancer, na hindi siya sasali dahil mayroon pa siyang existing contract na kailangan niyang tapusin.

Nilinaw din niya na masaya na siya sa korona at karangalang naibigay niya sa bansa nang manalo bilang kauna-unahang Reina Hispanoamericana mula sa Pilipinas. Masaya rin umano siya sa takbo ng kanyang career kaya naman hindi sumagi sa isip niya na sumaling muli sa isang pageant.

Larawan mula sa Instagram account ni Winwyn Marquez

Gayunman, nagpasalamat ang Kapuso actress sa lahat ng nagme-message sa kanya patungkol sa pagpilit sa pagsaling muli sa isang major beauty contest. Nakatataba raw ng pus0 ang suportang natatanggap niya mula sa pageant fans at naiisip pa rin siya hanggang nagyon.

“I am not joining Miss Universe Philippines. I still have an existing contract and I have to honor it. But please know that I am very happy kung nasaan ako ngayon and sa path na pipiliin ko for myself but thank you so much sa mga message n’yo sa akin. Nakakataba ng pus0,” pahayag ni Winwyn sa kanyang IG story.

Loading…