Rochelle Pangilinan, maligaya sa pagiging ina ni Baby Shiloh na nagdiwang ng unang kaarawan

  • May mga babae na naniniwala na ang pagiging isang ina ang bubuo sa kanilang pagkababae
  • Isa na rito si Rochelle Pangilinan na malaki ang pasasalamat sa biyayang natanggap niya noong isang taon — si Baby Shiloh
  • Ipinagdiwang nila ng asawang si Arthur Solinap ang unang kaarawan at dedication rites ng kanilang unica hija

Malaki ang ipinagpapasalamat ni Rochelle Pangilinan sa biyayang natanggap niya noong isang taon, Pebrero 24, 2019. Dumating sa kanilang buhay ng asawang si Arthur Solinap ang kanilang unica hija na si Baby Shiloh.

Napaka-espesyal ng pagdiriwang ng unang kaarawan ni Baby Shiloh lalo pa at isinabay na rin dito ang pag-dedicate ng mag-asawa sa kanilang anak bilang Kristiyano.

Imahe mula sa Facebook page ni Rochelle Pangilinan / Nice Print Photo

“God has given us the best gift of life and it’s you, my baby girl. You are a blessing who have given me the identity ‘mother,’” ayon sa Instagram post ni Rochelle.

Pagkatapos ng dedication rites, nag-ala-Snow White na si Baby Shiloh batay sa tema ng birthday party nito. Pinagbuhusan ng talento ng mga tumulong kay Rochelle ang bonggang party para sa anak.

“They did a great job at Shiloh’s birthday party! Kudos to these super talented girls! Bravo! In character lahat,” dagdag pa ni Rochelle.

Ang journey ni Rochelle bilang isang ina ay madalas niyang ibahagi sa kaniyang Instagram account.

“My day starts and ends with your smile!” ayon sa isang post ni Rochelle na nagpapakita ng napakagandang pagngiti ni Baby Shiloh.

Noong unang ipagdiwang ni Rochelle ang Mother’s Day bilang isang ina ay nagbigay rin ito mensahe sa anak.

“Napakasarap maging ina, pero sana baby ka na lang lagi — ‘yung pagtitig mo sa akin, smile, yakap…lahat! Pero sa paglaki mo alam kong marami kang pagdadaanan.”

Imahe mula sa Facebook page ni Rochelle Pangilinan / Nice Print Photo

“Sana paglaki mo kayang gamutin ng breast milk ang lahat ng sakit ng pagdadaanan m. ‘Yung tipong kahit gaano kalakas iyak mo makainom ka lang ng gatas, ok na,” nakaaantig na sabi ni Rochelle.

Maligayang pagbati, Baby Shiloh!

Loading…