ROTC sa senior high school iminungkahi upang ihanda ang kabataan sa oras ng kalamidad

  • ROTC sa senior high school isinusulong ni Senator Win Gatchalian
  • Binigyang-diin ng senador ang pangangailangan na mahubog ang kaalaman at kakayahan ng mga kabataan sa pagtugon sa mga kalamidad
  • Sa ilalim ng panukala, kakailanganing dumaan sa basic ROTC ang mga nasa Grade 11 at 12 kung saan isasailalim sila hindi lang sa military at civic training kundi maging sa pagtugon sa mga sakuna

Ipinanukala si Senator Sherwin Gatchalian na maging bahagi ng curriculum para sa senior high school education ang basic Reserve Officers Training Corps (ROTC) upang sanayin ang mga kabataan sa pagresponde sa mga kalamidad.

Imahe mula sa Multimedia-ROTC PLP

Binigyang-diin ng senador ang pangangailangan na mahubog ang kaalaman at kakayahan ng mga kabataan sa pagtugon sa mga kalamidad katulad na lang ng pagputok ng Taal Volcano kamakailan lang.

Sa kanyang panukala na ibalik ang ROTC, dapat umanong bigyan ng importansya ang “disaster preparedness” at ang “capacity-building for risk-related situations.”

Binanggit ni Sen. Gatchalian, na chairman ng Senate Committee on Basic Education Arts and Culture, ang World Risk Report 2019 kung saan sinasabing ang Pilipinas ang pang-siyam sa 180 countries na may pinakamalalang kinahaharap na panganib na dulot ng mga sakuna at kalamidad.

“Napapanahon ang ating panukalang ibalik ang ROTC upang mabigyan ng kaalaman at kakayahan ang ating mga kabataang rumesponde sa mga kalamidad. Bilang mga susunod na mamumuno sa ating bansa, mahalagang maituro nang maaga sa mga kabataan kung paano ba rumesponde sa mga sakuna na madalas tumatama sa ating bansa,” aniya.

Imahe mula sa Multimedia-ROTC PLP

Sa inihain niyang Senate Bill No. 177 o ang Senior High School Reserve Officers Training Corps Act, kakailanganing dumaan sa basic ROTC ang mga estudyanteng nasa Grade 11 at Grade 12 kung saan isasailalim sila sa military at civic training.

Ituturo rin sa mga mag-aaral ang “needs assessment, search, rescue and relief, at early recovery during disaster response operations.”

Sabi pa ng senador na kung ang mga kabataan ay matuturuan ng kaalaman sa pagresponde sa mga kalamidad, maaari silang pakilusin bilang bahagi ng relief and recovery operations hindi lang sa kanilang mga paaralan kundi maging sa kanilang mga komunidad.

Imahe mula sa Multimedia-ROTC PLP

Loading…