Sa gitna ng aktibidad ng Mayon, monitoring equipment, nawawala

Imahe mula sa Twitter | Phivolcs
  • Nawawala ang ilan sa mga monitoring equipment ng Bulkang Mayon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology
  • Napag-alaman daw nilang nawawala ang dalawang 150 watts na solar panel nila mula sa DOST-Phivolcs Resthouse noong Miyerkules
  • Makaaapekto umzno ito sa pagmomonitor ng Bulkang Mayon, kung saan nakataas ang Alert Level 2, dahil hindi sila makapagta-transmit ng data mula roon

Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pagkawala ng mga monitoring equipment nila para sa Bulkang Mayon.

Imahe mula sa Twitter | Phivolcs

Kamakailan lamang ay naobserbahan ang crater glow sa Mayon kung saan nananatiling nakataas ang Alert Level 2 dahil sa naobserbahang “moderate level of unrest.”

Sa pahayag ng Phivolcs, sinabi nilang dalawang 150 watts na solar panel ang “ninakaw” mula sa DOST-Phivolcs Mayon Resthouse kung saan naroon ang mga gamit para sa earthquake monitoring, Global Positioning System (GPS), at tiltmeter.

“This was discovered by Mayon Volcano Observatory personnel during their routine inspection and preventive maintenance service on 05 February 2020,” sabi nila.

Dahil daw sa kawalan ng power supply, maaapektuhan ang pagmo-monitor ng aktibidad ng Bulkang Mayon dahil hindi sila makapagta-transmit ng data mula roon.

Imahe mula sa Wikimedia Commons

Hinimok din nila ang publiko na makipagtulungan sa kanila sa pangangalaga ng mga kagamitan na ito. “Republic Act 10344 penalizes ‘the unauthorized taking, stealing, keeping, or tampering of government risk reduction and preparedness equipment, accessories, and similar facilities,'” sabi nila. “Hence, the public is strongly encouraged to help in taking care of our monitoring instruments and to promptly report any untoward incidents.”

Taong 2018 nang magkaroon ng pagsab0g sa Bulkang Mayon.”Kung matatandaan natin, nagkaroon ng erupti0n noong 2018 pero ibinaba natin ang Alert Level hanggang 2 noong 1st quarter ng 2018 at simula noon, na-maintain natin sa Alert Level 2 sa kadahilanang may mga magmang umakyat diyan at kumikilos,” sabi ni Phivols Director Renato Solidum sa isang radio interview.

Naitala ang pinakamapaminsalang pagsab0g ng Bulkang Mayon noong Pebrero 1814 ung saan 1,200 ang nasawi matapos matabunan ng lava ang isang bayan.

Loading…