Sa halip na mag-Google, babae matiyagang gumawa ng sariling cook book

Imahe mula sa Facebook | GMA News/Iane Coralde
  • Humanga ang netizens sa isang babae na matiyagang nagsusulat ng recipe ng mga pagkain sa kaniyang DIY cook book
  • Sa panahon kasi ngayon na maaari nang manood na lamang ng tutorial o kaya naman ay mag-screenshot ng recipe ay nagtiyaga pa rin itong magsulat
  • Dahil sa kaniyang sipag ay may magagamit daw siyang cook book kahit pa mawalan ng Internet

Saan may pinakamalapit na coffee shop? Ano ang ibig sabihin ng isang salita? Ilang oras ang biyahe mula Maynila hanggang Baguio? Ano ang mga sangkap sa adobo?

Halos lahat ng sagot sa iyong mga tanong ay makikita na ngayon sa Internet.

Imahe mula sa Facebook | GMA News/Iane Coralde

Kaya naman naaliw ang netizens nang ibahagi ng GMA News ang DIY na cook book ni YouScooper Ianne Coralde na naglalaman ng mga recipe ng iba’t ibang pagkain. Nilagyan niya pa ang mga ito ng makulay na disenyo.

“Bukod sa nakatipid na raw si Iane sa pagbili ng bagong cookbook, maaari niya pa raw itong dalhin at magamit kahit walang internet,” sabi ng GMA News sa kanilang post.

Ilan sa mga pagkain na isinulat niya sa kaniyang cook book ay ang ginataang bilo-bilo, menudo, sipo egg, Nutella cookies, at chocolate crinkles.

Nostalgic ang ibinahagi niyang cook book para sa ilan dahil ginagawa rin daw nila ito noon.

“Ganiyan din po ang ginagawa ko noong high school days. Nanonood po ako ng mga cooking shows sa TV. Tapos yung latang may recipe, ginugupit ko po yun then ididikit ko po sa notebook,” kuwento ni G. Estrella.

Imahe mula sa Facebook | GMA News/Iane Coralde

Ang isa pang netizen, napabalib sa tiyaga ni Iane.

“It is indeed a hobby lalo na sa panahon ngayon na uso na ang pag-save na lang at screenshots. Napaka-creative at nakakabilib ang tiyaga sa pagsusulat,” aniya.

Si Joeny naman, nagsimula raw magsulat ng recipe nang tumira siya sa Maynila. “Ganito rin ang ginagawa ko noon nung ako na lang mag-isa ang namumuhay sa Manila. Wala akong alam na lulutuin ni isa, kaya nagpaturo ako sa mga katrabo ko kung paano ba magluto at saka ko isinusulat lahat ng ingredients at procedure,” aniya.

Naranasan mo rin bang magsulat ng recipe noon?

Source :

GMA News

Loading…