Sana all: Kim Chiu nakatanggap ng higanteng bouquet mula kay Xian Lim

Imahe mula sa Instagram | Kim Chiu
  • Usap-usapan ngayon ang higanteng bouquet ng bulaklak na natanggap ni Kim Chiu mula sa nobyong si Xian Lim
  • Sa video na ibinahagi sa Facebook, makikita ang pagkakilig ni Kim nang makita ang surpresa para sa kaniya
  • Nagpasalamat naman si Kim sa effort ni Xian para pasayahin siya

Pinag-uusapan ngayon sa social edia ang Valentine’s Day surprise ni Xian Lim para sa nobyang si Kim Chiu. Hindi kasi basta bouquet kundi isang higanteng bouquet ang natanggap ng Kapamilya actress mula sa boyfriend.

Imahe mula sa Instagram | Kim Chiu

Sa vlog na ibinahagi ni Mikee Agustin, makikita ang pagkamangha ng lahat nang makita ang sobrang laking bouquet na dala ni Xian sa set ng “Love Thy Woman.” Ipinakita rin dito ang pagkakilig ni Kim nang makita ang boyfriend na bitbit ito.

Sa Instagram, nagpasalamat siya sa effort ni Xian. “Each year, you never fail to surprise me! Still and will always will! Thank you, Xi!!! Thank you for putting such effort to surprise me!  Babae pala ako,” sabi ni Kim.

Kuwento pa niya, kanina ay tinitingnan niya lamang ang mga magagandang bouquet ng bulaklak na ibinabahagi ng mga kaibigan sa Instagram.

“[I was] scrolling my IG while on the set taping looking at all the girls having their pretty bouquet of flowers posted on IG! Before the day ends, here I am having my own HUGE, Pretty BOUQUET! Thank you, Xi! Happy Valentine’s indeed,” sabi niya.

Imahe mula sa Instagram | Kim Chiu

Pabiro rin siyang nagtanong kung paano niya kaya iuuwi ang natanggap na regalo.

Inulan naman ng mga mensahe mula sa mga kaibigan sa showbiz ang comment section sa IG post ni Kim.

“Thank you for the SAGE, kimmy. Thank you for the pasta for long life. You deserve all the LOVE in the world,” komento ni Kris Aquino. Si Miss Universe 2014 Mary Jean Lastimosa naman, sinabing “as big as the sky” ang natanggap na bulaklak ni Kim.

Happy Valentine’s Day, Kim at Xian! Tiyak na marami na naman ang napasabi ng “Sana all.”

Loading…