Sana all: Netizen, “bitter” sa mga nakasalubong niyang apat na couple habang naglalakad pauwi

  • Trending sa social media ang “bitter” moment ng isang netizen dahil sa mga nakasalubong niya pauwi
  • Apat na sweet couples lang naman kasi ang nakasabay niya sa paglalakad na ibinahagi niya sa kanyang Facebook account
  • Naghatid naman ito ng good vibes sa maraming netizens kaya umabot agad sa libo ang comments, reactions, at shares ng post

Nakadikit na ang buwan ng Pebrero sa pagmamahalan ng magsing-irog. Nasa buwan kasing ito ang Valentine’s Day na ipinagdiriwang ng mga couple. Pero ang realidad, hindi naman lahat ay mayroong karelasyon. Kaya naman sa buwang ito rin naglalabasan ang mga mapapait ang tingin sa konsepto ng pag-ibig.

Isang patunay dito ang netizen na tinamaan yata ng malas nang maglakad siya pauwi. Ibinahagi ni Marienel Yongco sa kanyang Facebook account ang isang larawan kung saan makikitang nakasabay niya ang ilang couples na naglalakad rin sa parehong kalyeng tinatahak niya.

Larawan mula sa Facebook post ni Marienel Yongco

Pahayag ng dalaga, gusto lang naman niya ay makauwi sa bahay nila sa pamamagitan ng paglalakad pero pauwi na nga lamang siya ay na-BV pa siya ng kanyang nakita. Marami naman daw pwedeng makasabay pauwi, pero apat na couples pa talaga ang naroon sa kalyeng iyon.

“Gusto ko lang naman maglakad pauwi pero bakit ganito makakasabayan ko?” sabi ni Marienel sa kanyang viral post. Matapos ang ilang araw nang i-upload ang larawan ay mayroon na itong 11,000 reactions na karamihan ay ‘haha’ kasama pa ang 24,000 shares.

Inulan din ng komento ang nasabing post ni Marienel. Nasa mahigit isang libo ang comments mula sa mga netizens na lubhang naaliw sa pagka-bitter ng uploader. Mayroon namang mga social media users na mapang-asar din at kanya-kanyang tag sa kanilang mga kaibigan na maaaring magkaroon ng katulad na karanasan.

May isang nag-comment na kapag may nakita siyang ganito sa kalye ay mas pipiliin na lang daw niyang sumakay na lang ng tricycle at baka hindi pa siya makauwi dahil sa nararamdaman. May mga nagbiro naman na huwag lang silang makakasalubong ng ganito at itutulak niya raw isa-isa.

Larawan mula sa Pexels

“Naku, wag lang ako makakasalubong ng ganito at itutulak ko talaga. Chos. L0ve month ngayon, next week hiwalay na ‘yan,” sabi ng isang netizen na mukhang mas bitter pa kay Marienel.

Mayroon namang nagtatanong kay Marienel kung saan makikita ang kalyeng ito. Plano raw kasi nilang iwasan ito para na rin sa kapanatagan ng kanilang damdamin. LOL

Loading…