Sana all: Netizens, namangha sa mala-typewritten na sulat ng estudyante

Imahe mula sa Facebook | Rexy Anne Banez
  • Pinag-uusapan ng netizens ang mala-typewritten na sulat ng isang mag-aaral
  • Ibinahagi ng isang guro ang paghanga sa penmanship ng kaniyang estudyante
  • Ang netizens, napa-sana all na lang dahil bukod sa magandang handwriting ay balanse rin ang sinosolve niyang equation

Sa makabagong panahon na halos lahat ay computerized na, napahanga ang netizens sa mala-typewritten na handwriting ng isang estudyante.

Imahe mula sa Facebook | Rexy Anne Banez

Ibinahagi ng guro na si Rexy Anne Banez ang malinis na penmanship ni Renato Jumawan Jr., isang accountancy student. “Flexing my student’s amazing penmanship. Mura jud ug gigamitan ug typewriter (Parang ginamitan talaga ng typewriter). Mapapa-sana all ka na lang,” sabi ni Banez.

Namangha ang netizens dahil aakalain mo talagang ginamitan ito ng typewriter sa sobrang ganda at linis tingnan. Sa katunayan, umabot na sa 9.3k reactions at 16k shares ang post ni Banez habang isinusulat ito.

Sabi ni Jovelle, “Ganito sana kalinis ang sulat ko noon pero sabi nila, yung mga pangit ang sulat daw kasi ang mga tunay na matatalino. Kaya ayun.”

Iba naman ang palusot na naisip ni Jay. “Ganito sana ang sulat ko e, kaso ayaw ng kamay ko. Ayoko pilitin mag aaway lang kami.”

Pagbibiro naman ni Mark, mukhang may future daw ang estudyante bilang taga-sulat ng dedication sa mga cake. “Work ng student na ‘yan sa future taga lagay ng “Happy Birthday” sa cake ng Red Ribbon,” aniya.

Imahe mula sa Facebook | Rexy Anne Banez

Sabi naman ng isang guro, matutuwa raw siyang mag-check ng mga papel ng estudyante kung ganito kaayos ang sulat. “Ang sarap mag-check [kapag] ganito yung sulat ng estudyante,” aniya.

Ang sulat ni Renato, may pinatutunayan naman daw, ayon kay Joyce. “Ang ganda naman ng sulat. Talagang pinatunayan na accounting is an art,” komento niya. Bukod sa ganda ng sulat ng estudyante, marami rin ang nakapansin na na-balanse niya agad ang equation. “Di mo na maiisip sulat mo, basta balance eh,” sabi ni Dianne L.

Maganda na ang penmanship, magaling pang mag-balance. Mapapa-sana all ka na lang talaga.

Source :

Facebook

Loading…