‘Sana all no more’: BF niregaluhan ang kasintahan ng mga bagay na sinabihan nito ng ‘Sana all’

  • Game na game na niregaluhan ni Renvan Dimasupil ang kaniyang kasintahan ng mga gamit na una nitong sinabihan ng mga katagang “sana all”
  • Maliban sa birthday cake, binigyan ng netizen ang kaniyang girlfriend ng ilang pares ng mga sapatos, bag, lipstick, stuffed toy, at maging pera
  • Nag-viral naman ang post sa social media at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens

Hindi lang isa ngunit napakaraming regalo ang natanggap ng isang dalaga sa pagdiriwang nito ng kaniyang kaarawan.

Imahe mula kay Renvan Dimasupil | Facebook

Sa larawang ibinahagi ni Renvan Dimasupil sa Facebook noong January 24, makikita ang mga gamit na ineregalo niya para sa kaniyang kasintahan na nagdiriwang ng kaniyang kaarawan.

“Puro ka sana all! Manahimik ka na buong taon, ha. Huwag ka na mag-share nang kung ano-ano. Hahaha! I love you!” ani Renvan sa post.

Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Renvan ang koleksiyon screenshot ng mga Facebook post ng kaniyang girlfriend na si Nicolle Jimenez. Dito nakuha ng binata ang ideya kung ano-anong mga bagay ang makapagpapasaya sa kaniyang kasintahan.

Maliban sa birthday cake, binigyan niya rin ito ng ilang na pares ng sapatos, lipstick, accessories, bag, stuffed toy, at maging pera.

Agad namang nag-viral ang post sa social media at umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens.

“Parang gusto ko na lang rin maki-’sana all,’” sabi ni JL.

“Very impressive! Pero huwag naman ‘sana all’ nang ‘sana all’ na ipapatama sa jowa yung mga ganiyang bagay lalo na kapag wala pa silang income. Kahit hindi sabihin ng mga jowaers niyo, nalulungkot iyan sila kasi hindi pa nila maibigay yung mga bagay na gusto niya para sa iyo,” pahayag naman ni JJ.

I-click ang imahe para makita ang orihinal na post

“Nape-pressure ang mga kalalakihan sa mga kaganapan,” natatawang komento ni LKAB.

Source :

Facebook

Loading…