Sandara Park emosyonal nang magbalik-tanaw sa pagbuwag ng K-pop group niyang 2NE1

  • Sandara Park inalala ang disbandment ng K-pop group niyang 2NE1
  • Naging emosyonal si Sandara sa pagbabalik-tanaw sa pagbuwag ng grupo
  • Pakiramdam niya noon ay wala raw siyang silbi sa 2NE1, na hindi siya importante sa grupo

Kahit limang taon na ang lumipas simula nang mabuwag ang Korean pop (K-pop) group na 2NE1, hindi pa rin maiwasan ng dating miyembro nitong si Sandara Park na maging emosyonal kapag naaalala ang paghihiwalay ng grupo.

Imahe mula sa Instagram account ni Sandara Park

Sa Korean show na “Video Star” kung saan isa siya sa mga co-hosts, ibinulgar ni Sandara na pagkaraang mabuwag ang 2NE1 ay hindi niya alam ang kanyang gagawin. Naging napakahirap daw sa kanya ang panahong iyon.

Noong 2016, inanunsyo ng YG Entertainment, ang namamahala sa grupo, na bubuwagin na ang 2NE1. Ang mga miyembro nito ay sina Sandara, Park Bom, CL at Gong. Matapos ang disbandment ng grupo, si Sandara at CL ay pumirma ng kontrata sa YG Entertainment bilang solo artists.

Kwento si Sandara, nang ma-disband ang grupo nila ay nag-alala siya tungkol sa kanyang kinabukasan. Nang wala na sa tabi niya ang tatlong kagrupo, inisip daw niya kung ano ang kaya niyang gawin nang mag-isa.

Noong buo pa ang grupo ay kulang daw siya sa tiwala sa sarili. Pakiramdam niya ay wala raw siyang silbi sa 2NE1… na hindi siya importante sa grupo dahil napakahusay ng mga kasama niya.

“When we were promoting, I thought that I wasn’t necessary in the group, because the members all had such amazing voices,” aniya.

Screenshot mula sa Video Star show

“After we disbanded, I wondered what I should do now. For about 2 to 3 years I had very negative thoughts and my self-confidence dropped a lot. People who used to contact me all the time stopped contacting me at all. I lived those 2 years in darkness,” dagdag pa ni Sandara.

May maganda rin naman daw na naidulot ang panahong iyon dahil nakilala niya kung sino ang tunay niyang mga kaibigan na may malasakit kaya masaya na siya ngayon.

Screenshot mula sa Video Star show

“But it was good in the end. I realized that the few people I had left next to me were the ones who were truly my friends. So I’m happy these days.”

Bumalik na rin umano ang tiwala niya sa sarili.

Source :

Soompi, Koreaboo

Loading…