Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, ikinasal na; close in security ni Sarah, sinaktan umano ni Matteo

Imahe mula sa Instagram | Matteo Guidicelli
  • Sa kabila ng naganap na komosyon sa pagitan ni Matteo Guidicelli at ng close in security ni Sarah Geronimo ay natuloy ang civil wedding ng dalawa
  • Sinunt0k umano ni Matteo si Jerry Tamara na pinaghinalaan niyang nagbigay ng impormasyon kay Mommy Divine tungkol sa kasal nila
  • Dumating daw si Mommy Divine sa venue upang kausapin ang anak

Natuloy ang civil wedding nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa kabila ng naganap na komosyon nang hindi umano inaasahan na dumating ang ina ng Popstar Princess na si Mommy Divine.

Imahe mula sa Instagram | Matteo Guidicelli

Dumulog sa pulisya ang 31 anyos na si Jerry Tamara, close in security ni Sarah, na sinunt0k daw sa lalamunan ni Matteo dahil inaakusahan siya nitong nagbigay ng impormasyon kay Mommy Divine tungkol sa kasal nila sa isang luxury hotel sa Bonifacio Global City.

Bigla raw dumating doon si Mommy Divine upang kausapin si Sarah. Samantala, hindi na raw nagsampa ng kas0 si Tamara laban kay Matteo.

Huwebes nang lumabas ang ulat ng entertainment columnist na si Ricky Lo na ikakasal na sina Sarah at Matteo ayon sa isang “highly reliable source.” Ayon pa kay Lo, pamilya lamang daw ni Matteo ang siguradong makadadalo at hindi pa tiyak kung darating ang mga magulang ni Sarah na sina Mommy Divine at Daddy Delfin.

Imahe mula sa Instagram | Matteo Guidicelli

Noong Pebrero 3 umano nag-apply ng marriage license ang dalawa. May mga ulat din na nakatakdang ikasal muli ang dalawa sa Italy sa March 14.

Ang “scoop” ni Lo, pinasinungalingan ng mga kasama ni Sarah sa taping ng The Voice Teens. Si Carlo Yanesa, nagbahagi pa ng video na nagpapakita kay Sarah. “Ayan, good morning daw. Dito po ba venue? Yes, invited kami,” biro niya.

Si Jomar Yap naman, humirit din at sinabing “Mga what time po ba ang wedding? Para double time kami sa shoot today with Coach Sarah! Kasi kasama namin siya now eh. Kami na po mag-aadjust.”

Samantala, si Matteo naman ay nagbahagi ng Instagram story kung saan makikita siyang nakasuot ng karategi uniform at ginagawa ang “Tusok ulo challenge.”

Loading…