Blooming sila! Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli kinakiligan ng netizens sa Unified concert

Imahe mula sa video ng Viva via Facebook
  • Kinakiligan ng netizens ang sweetness nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa katatapos lamang na Unified concert
  • Tinawag ni Sarah na “Love ko” si Matteo at nag-abot naman si Matteo kay Sarah ng bulaklak
  • Worth the wait daw ang anim na taon ng paghihintay nila upang umabot sa ganitong punto ang kanilang relasyon 

Marami ang natuwa nang mapabalitang engaged na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Hindi kasi madalas na isapubliko ng dalawa ang kanilang mahigit anim na taon nang relasyon.

Imahe mula sa Instagram | Matteo Guidicelli

Kaya naman kamakailan lamang ay hindi napigilan ng fans na muling kiligin dahil sa public display of affection na ipinamalas ng dalawa sa Unified concert ni Sarah kasama si Asia’s Songbird Regine Velasquez. Blooming with joy talaga ang couple.

Sa isang parte ng Unified concert ay isa sa mga pinasalamatan ni Sarah si Matteo.

“Sa Love ko,” sabi ni Sarah. “At siyempre po, nagpapasalamat ako sa aking pamilya, ang aking Daddy Delfin, Mommy Divine, sa aking mga kapatid.”

Sa video na ibinahagi ng Viva, makikitang umakyat sa stage si Matteo upang mag-abot ng bulaklak kay Sarah matapos ang unang araw ng kaniyang concert. Makikita ang matamis na ngiti ni Sarah habang yakap ni Matteo. Bago bumaba sa stage ay hinalikan pa ni Matteo sa pisngi si Sarah.

Ibinahagi ni Matteo ang video na ito at sinabing “Super proud fiancé here! Congratulations my love and Ms. Reg.”

Imahe mula sa Instagram | Matteo Guidicelli

Dinumog ng fans ang comment box ng post ni Matteo dahil sa sobrang saya para sa dalawa. Ang ilan, sinabing anim na taon silang naghintay na umabot sa ganitong punto ang relasyon ng dalawa.

“We waited 6 years for this to happen, AshMatt,” sabi ni Lot B. “My AshMatt heart. 6 years and it was worth the wait,” sabi naman ni Cathrine L.

“Sweetness overload. Kilig to the bones. I pray that your love for each other will last forever. Keep your faith and trust in God and everything will follow according to His plan,” sabi ni Cring.

Ang isang netizen naman, hiling na magkaroon din ng concert sina Sarah at Matteo.  “Sana magkaroon rin ng concert ang AshMatt. Nakakakilig yun. Please make it happen,” sabi ni C. Dalion.

Narito ang video na ibinahagi ng Viva:

Source :

Facebook, Pep PH

Loading…