Sarah Geronimo balik trabaho na, kinikilig daw pag tinatawag na ‘misis’

Imahe mula sa Twitter | Carlo Yanesa
  • Nagbahagi ang mga kasamahan ni Sarah Geronimo sa The Voice Teens ng bagong video kasama ang bagong kasal
  • Kuwento ng mga nag-upload, masaya raw si Sarah at kinikilig kapag tinatawag siyang misis
  • Samantala, ang close in security naman ni Sarah na sinunt0k umano ng asawang si Matteo Guidicelli ay dumulog sa programa ni Raffy Tulfo

Muling nagbahagi ng video ang katrabaho sa The Voice Teens ng bagong kasal na si Sarah Geronimo.

Imahe mula sa Twitter | Carlo Yanesa

Nag-post si Carlo Yanesa sa Twitter ng video kasama si Sarah na isa sa mga coaches ng The Voice Teens. Siya rin ang nagbahagi ng video noong araw na lumabas ang article ng entertainment writer na si Ricky Lo na ikakasal na sina Sarah at Matteo Guidicelli noong Pebrero 20.

“Eto na nga. Napagkuwentuhan namin ni Sars na nag-viral yung video. Tinawanan ako. Naabangan daw kasi,” sabi niya.

Dagdag pa niya, kinikilig daw si Sarah kapag tinatawag na “misis.” “Happy for you, misis. At kinikilig siya ‘pag tinatawag nun,” aniya.

Nagbahagi rin siya ng larawan kung saan makikitang dumalaw sa taping ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid. “This is nice. Bumisita si Kuya Ogie & Ate Reg,” sabi niya.

Si Jomar Yap naman, sinabing masaya raw si Sarah. “She is so happy. We are so happy for her and Matt,” saad niya.

Imahe mula sa Twitter | Carlo Yanesa

Nauwi sa kontrobersiya ang civil wedding nina Sarah at Matteo matapos na lumabas ang ulat na sinunt0k ni Matteo ang close in security ni Sarah. Bigla raw kasing dumating ang ina ni Sarah na si Mommy Divine sa venue.

Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo si Jerry Tamara at dito niya isiniwalat kung ano ang nangyari. Saad niya, ginawa lamang niya ang kaniyang trabaho. Matapos daw kasi na magkaroon ng komosyon nang dumating si Mommy Divine, lalabas na sana sina Sarah at Matteo ngunit sinubukan niyang pigilan si Sarah upang sabihin na kausapin muna nito ang kaniyang ina bago umalis. Dito na raw siya sinunt0k ng asawa ni Sarah.

Una nang itinanggi ni Matteo ang paratang na ito. Sa isang panayam, sinabi niyang wala siyang sinusunt0k. Ngunit ayon kay Tamara, nasaksihan ito ng ilang mga empleyado ng hotel.

Loading…