Sarah Lahbati, nagpapasalamat sa biyaya ng buhay at pamilya, hiling na maging mabuti ang Pebrero sa atin

  • Marami sa atin ang humihiling na maging mabuti sa atin ang buwan ng Pebrero kumpara sa Enero
  • Isa sa mga showbiz personality na labis ang pasasalamat pa rin sa buhay sa kabila ng hindi magagandang pangyayari ay ang soon-to-be-bride na si Sarah Lahbati
  • Ibinahagi niya sa kaniyang Instagram account kung gaano siya nananalig sa mga plano ng Panginoon

Sa mga nakalipas na linggo, marami sa atin ang umaasam na matapos na ang tila pagkahaba-habang buwan ng Enero dahil sa mga pangyayaring sumubok sa katatagan ng mga Pilipino.

Sa kabila nito, marami sa atin ang nananatiling positibo at kumakapit sa ating pananampalataya, sa pamilya, at sa mga kaibigan.

Imahe mula sa Facebook page ni Sarah Labhati

Isa sa mga nagpaalala sa social media tungkol sa mabuting plano ng Panginoon sa ating buhay ay ang soon-to-be-bride ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati.

“These past couple of weeks have been crazy all over the world. Our faith is definitely being tested. Reminding myself that God always has a plan for all of us,” pambungad ni Sarah sa isang Instagram post.

Labis pa rin ang pasasalamat ni Sarah sa biyaya ng buhay at sa biyaya ng pamilya.

“Grateful for the gift of life and the gift of family. I love you Richard, Zion, Kai, family, friends, and each and every one of you here endlessly supporting us. Thank you.”

Dalangin din ni Sarah na maging mabuti ang pagpasok ng Pebrero sa ating lahat.

“First day of February, be good to us. Praying for the world. Let’s spread love and be kind.” pagwawakas ni Sarah.

Ang Instagram post na ito ni Sarah ay may kalakip na larawan nina Richard at ng kanilang panganay na anak na si Zion.

Tumugon naman si Richard ng “Love you” sa post ni Sarah.

Imahe mula sa Facebook page ni Sarah Labhati

Samantala, nakatakdang maging Mrs. Richard Gutierrez si Sarah Lahbati sa Marso 2020. Ito ay kanilang inanunsiyo noong Oktubre 2019 sa ASAP Natin To.

“We’re happy to announce that we are finally getting married on March 2020 here in Manila and we’re looking forward to that day,”  ani Richard.

Loading…