Seaman, humingi ng tulong para sa kakaibang problema

Imahe mula sa GMA News at PSA
  • Humingi ng tulong ang isang seaman sa programa ng GMA News upang muling “mabuhay” sa mata ng batas
  • Napag-alaman kasi niyang ikinuha siya ng death certificate ng dating asawa noong taong 2016
  • Matagal at mahal na proseso raw ang kailangan niyang pagdaanan upang mabago ito

Dumulog ang isang seaman sa “Sumbungan ng Bayan” ng GMA upang humingi ng tulong kung paano niya “bubuhayin” ang sarili sa mata ng batas matapos siyang ikuha ng ‘Katibayan ng pagpanaw’ ng dating asawa noong taong 2016.

Imahe mula sa video ng GMA News via YouTube

“Nalaman ko ito noong mag-apply ako ng visa at sinabi sa akin ng officer doon na meron silang death certificate na galing sa ex wife ko,” kuwento ni Benedick Malonzo.

Nagtungo raw siya sa Philippine Statistics Authority upang kumpirmahin ito at dito niya nalaman na totoo ngang may death certificate na siya kung saan nakalagay na siya ay yumao noong Enero 2016 dahil sa intoxicati0n at cardiac arrest.

“Natulala [ako], nashock [kasi] hindi ko inaasahan na mangyayari sa akin. Hiwalay kami pero nagsusuporta pa rin naman ako ng pangangailangan [nila] araw araw,” sabi niya.

Sabi ni Atty. Pen Cascolan, kapag may ganoong certificate na ang isang tao ay “officially at legally, patay na siya.”

“Sa mata ng batas, may presumption of regularity ng documents. So sa mata ng batas, all rights, all benefits na puwedeng makuha, hindi na puwede,” paliwanag niya. Ilan sa mga ito ay ang insurance at ang karapatang bumoto.

Paliwanag pa ni Cascolan, hindi madaling kumuha ng death certificate dahil maraming pirma ang kailangan dito.

Imahe mula sa Philippine Statistics Authority

“Nandoon yung doctor na nagdeclare na patay ka na. Nandoon yung licensed embalmer, at nandoon yung reporting person na under oath. Maraming pirma yung death certificate for it to be faked kaya kung makalusot sa NSO, either nag-conspire yung mga taong yun or may katawan na pinresent sa embalmer at sinabi na sa iyo yung katawan na yun,” paliwanag niya.

Upang muling maging “buhay” sa mata ng batas ay matagal at mahal na proseso raw ang kailangang pagdaanan ni Malonzo.

“May paper trail naman siya dahil nandoon yung pangalan ng doktor, embalmer, saka cemetery. Mahirap mabawi ‘yung identity kung galing lang sa iyo yung impormasyon pero kung magtutulung-tulong sila na ibigay yung statement to clarify na hindi totoo [na patay ka na], mapapabilis,” sabi niya.

Maaari rin daw maharap sa mga kas0 ang mga nasa likod ng pamemekeng ito. Ang dating asawa raw ni Malonzo ay maaaring kasuhan ng falsification of documents at perjury. Maaari namang makansela ang lisensya ng mga private doctors na pumirma rito habang kung may public official naman na kasabwat ay graft ang maaari niyang kaharapin.

Ayon naman kay Malonzo ay napatawad na niya ang mga gumawa nito sa kaniya.

“Pinapatawad ko kung anong ginawa ninyo pero ‘wag ninyo nang gawin sa ibang tao, kasi iba ang impact sa akin. Parang bumagsak ang buhay ko,” sabi niya.

Source :

GMA

Loading…