Seguridad sa NAIA pasado sa pagsusuri ng Transport Security Administration ng US

  • Seguridad na ipinatutupad sa NAIA pasado sa TSA ng US Department of Homeland Security
  • Bumilib ang TSA auditors sa makabago at high tech security and screening equipment sa NAIA
  • Sinabi ng DOTr na ang seguridad sa mga paliparan ay patuloy na pinagbubuti

Nasiyahan ang mga inspektor mula sa Transportation Security Administration (TSA) na nasa ilalim ng United States Department of Homeland Security sa isinagawang assessment sa security measures na ipinatutupad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Imahe mula sa MIAA

Noong Biyernes, ika-7 ng Pebrero, natapos ng TSA at local counterpart nitong Office for Transportation Security (OTS) ang isinagawang security audit sa mga airport terminals at mga airlines sa NAIA na bumibiyahe mula at patungo sa US.

“Overall, there were no findings in this assessment.  We appreciate the new technologies and equipment provided. We are grateful with the improvements made by the government specifically in collaboration with the OTS,” ayon kay TSA Lead Inspector Jose Liriano.

Bukod sa airport at aircraft security, kabilang din sa mga binigyan ng passing mark ng TSA ang passenger and baggage screening, ang training na ibinibigay sa security personnel, at ang pagsunod sa international civilian aviation security standards.

Bumilib ang TSA sa makabago at high-tech na security and screening equipment tulad ng dual view x-ray machines na mayroong automatic tray return system na nagpapabilis sa pag-iinspeksyon ng mga bagahe at naging epektibo para umiksi ang pila sa mga screening checkpoints.

Imahe mula sa DOTr

Sa kabila ng passing mark, magpapatuloy pa rin ang ginagawang pagpapabuti sa seguridad sa mga paliparan, sabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade.

“Security is a commitment, it is a continuous process. While we are happy with this news, we must remember that the more important thing is that we sustain and consistently improve our efforts to ensure the safety and security of the passengers,” saad ng kalihim.

Ayon kay Sec. Tugade, ang mas pinabuting seguridad sa NAIA ay bunga ng pagtutulungan ng mga ahensyang nasa ilalim ng DOTr tulad ng OTS at Manila International Airport Authority.

Imahe mula sa DOTr

Loading…