Sen. Bong Revilla, nais ng ABS-CBN franchise extension hanggang Disyembre 2020 para madinig nang maayos ang renewal ng prangkisa

  • Naghain ng panukala si Senador Bong Revilla na magpapalawig ng prangkisa ng ABS-CBN hanggang Disyembre ngayong taon
  • Sabi ng senador, makatutulong daw ito upang madinig nang maayos ang franchise renewal ng Kapamilya network
  • Mas matutulungan din daw nila ang mga empleyado sa ganitong paraan at mabibigyan ng kapanatagan ng loob

Patuloy ang pagdinig ng mga mambabatas tungkol sa renewal ng franchise ng ABS-CBN. Ipinahayag ni dating chief Justice Reynato Puno na hanggang Mayo 4 pa ang prangkisa ng network ngunit hindi na raw ito maaaring mag-operate kapag lumampas sa nasabing petsa.

Kaya naman may aksiyon si Senador Ramon “Bong” Revilla upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga Senado at Kongreso na dinggin ang renewal ng franchise ng Kapamilya network. Naghain siya ng isang panukalang batas na magpapalawig ng existing franchise ng ABS-CBN hanggang Disyembre 2020.

Larawan mula sa Senado

Ayon kay Revilla na isa ring Kapuso artist, kapag nabigyan ng hanggang Disyembre ang ABS-CBN na makapag-operate, may sapat na panahon ang mga mambabatas upang himayin ang mga detalye ng franchise renewal kaysa madaliin upang umabot sa expiration nito sa Mayo.

“Narinig natin ang pahayag ni former Chief Justice Reynato Puno na pag napaso na ang prangkisa, wala nang basehan para magpatuloy ang operasyon ng ABS-CBN… Kaya tayo nag-file ng bill extending the franchise to the end of the year… To give time for Congress to finish our job na hindi nanganganib ang trabaho ng mahigit sa 11,000 na manggagawa,” sabi ni Revilla.

Mainam na rin umano na aksyunan muna ng Senado at Kongreso ang pagpapalawig sa franchise ng ABS-CBN upang maipakita nila sa mga nasasakupan nila na hindi nila minamadali o hindi rin binabagalan ang proseso. Maganda rin umano ito para sa kapanatagan ng mga empleyado ng Kapamilya network.

Larawan mula sa ABS-CBN

“If both Houses decide to amend RA 7966 (ABS-CBN franchise law) and extend their franchise to the end of the year, there will no legal questions that will arise while Congress tackles the issue of granting ABS-CBN a new franchise. Hindi rin kakaba-kaba yung mga empleyado at manggagawa,” pagpapatuloy ng senador.

Bago pa man ang panukalang ito ni Revilla, nauna nang maghain ng resolusyon si Senador Franklin Drilon kung saan layunin niyang ma-extend naman ang franchise ng ABS-CBN hanggang Disyembre 31, 2022 upang mas mahabang mapag-usapan ang tungkol sa prangkisa.

Loading…