
- Naghain ng panukalang batas si Senador Manny Pacquiao na magpapalawig ng serbisyo ng mga sun
dalo sa bansa - Itataas ang compulsory retirement age ng mga sun
dalo ng 60 anyos mula sa kasalukuyang 56 - Ito raw ay dahil sa maraming sun
dalo ang nais pang magserbisyo kahit na mas matanda na sa 56 anyos
Nais ng champion boxer at senador na si Manny Pacquiao na mas palawigin pa ang panahon ng mga opisyal at enlisted men ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Mula kasi sa kasalukuyang edad ng pagreretiro na 56, nais itong pataasin ni Pacquiao sa edad na 60.
Inihain ni Pacquiao ang Senate Bill 1370 na naglalayong amyendahan ang Section 5 ng Presidential Decree (PD) 1638 na tinatawag din bilang “Establishing a new system of retirement and separation for military personnel of the AFP.”

Ayon sa senador, naisipan niyang palawigin ang panunungkulan ng mga sundalo dahil marami daw sa mga opisyal at iba pang kasapi ng AFP ang nagkakaroon ng suliranin sa kanilang karera. Marami daw sa mga ito ang nararamdamang hadlang ang mas maikli nilang panunungkulan dahil walang karapatang mamili ang mga sundalo at talagang kailangan nang magretiro sa edad na 56.
Dagdag pa ni Pacquiao, kaya naman na umano ng mga sundalo na magsilbi sa bansa kahit nasa edad na lagpas sa 56 dahil sa makabagong teknolohiya at mga pag-unlad sa serbisyong medical na makatutulong sa pagpapanatili ng malalakas na pangangatawan at alertong pag-iisip.
Ginawa niya umanong basehan ang mga pag-aaral mula sa mga bansang Belgium, Germany, at Australia na pinahihintulutan ang kanilang mga sundalo na magtrabaho hanggang sa edad na 67 pa.
“This has been shown in several countries, such as Australia, Belgium, and Germany where they have increased the compulsory retirement age of their military to the age of 67,” pahayag ng senador.

Maliban sa pagiging senador at kilalang champion boxer, si Pacquiao ay isa ring reservist ng Philippine Army. Napasama siya sa reserve force ng Army noong April 2006 at humawak ng kauna-unahang pinakamataas na posisyon ng isang reservist bilang sergeant. Ngayon ay isa nang colonel ng reserve force si Pacquiao.
Kung maipapasa ang panukala ni Pacquiao, ito ang unang pagkakataong maaamyendahan ang batas na sumasaklaw sa edad ng pagreretiro ng mga sundalo simula noong 1979.