Senador Manny Pacquiao: “Parang malaking kawalan sa sambayanang Pilipino ang mawala ang ABS–CBN”

  • Buo ang suporta ni Senador Manny Pacquaio sa franchise renewal ng ABS–CBN Kapamilya Network
  • Malaking kawalan umano sa sambayanang Pilipino kung sakaling matitigil ang kanilang pag–ere
  • Kung may paglabag man daw ang network, kasuhan na lamang sila at huwag ipasara

Tahasang sinabi ni Senador Manny Pacquaio na parang malaking kawalan sa sambayanang Pilipino kung sakaling hindi maaprubahan ang franchise renewal ng ABS–CBN Kapamilya Network, sa ginanap na senate hearing hinggil dito nitong Lunes, Pebrero 24, 2020.

“Kung anuman ang problema nila, kung may violation, and then kasuhan sila; pero hindi naman siguro doon sa mapupunta sa closure ng station. Parang malaking kawalan sa sambayanang Pilipino ang mawala ang ABS–CBN dahil napakalaking tulong ito para sa ating bansa na magkaroon ng impormasyon ang bawat isa”, ayon kay Senador Pacquiao.

Public Domain Image

Dagdag pa ng senador–boksingero, “In that way siguro, dapat tayong magpasalamat sa ABS-CBN dahil in that way, nalalaman natin kung may lindol… nalalaman natin lahat. Hindi natin basta–basta makakalimutan ‘yung nagkakaroon tayo ng knowledge at informed tayo…”

Umani naman ito ng mga positibong komento mula sa mga netizens.

Ayon sa isa, “I’m impressed by your stance, Senator Pacquiao. Tell that to the President, Cayetano and Panelo who happen to be all lawyers. You talk more sense than they do.”

“This time I agree with what you’ve said Senator Manny… the issue here is the personal sentiments of the President,” pagsang–ayon naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “This is the first time I’ve seen a Senator Pacquiao who can say no. Kudos to the good senator.”

Samantala, hindi lamang si Senador Pacquiao ang nagpahayag ng suporta para sa renewal ng prangkisa ng ABS–CBN. Nariyan din si Senador Lito Lapid na matatandaang napasama pa sa teleserye ni Coco Martin na “FPJ’s Ang Probinsyano” bilang si “Pinuno”.

Ipinangako naman ni Senador Bong Go na kukumbinsihin niya ang Pangulo hinggil sa renewal dahil ayaw daw niyang mawalan ng trabaho ang libo–libong empleyado ng Kapamilya Network.

Public Domain Image
Source :

Facebook

Loading…