Si Marcelito Pomoy ang may pinakamalaking tsansang manalo – AGT: The Champions judge Howie Mandel

  • Full performance ni Marcelito Pomoy sa semi-final round ng AGT: The Champions mapapanood na
  • Si Marcelito ang may pinakamalaking tsansang manalo sa contest, ayon sa judge na si Howie Mandel
  • Sinabi naman ni judge Heidi Klum na si Marcelito ang paborito niya sa lahat ng mga contestants

Hindi binigo ni Marcelito Pomoy ang milyun-milyong fans na naghintay sa performance niya sa semi-final round ng America’s Got Talent (AGT): The Champions dahil sa napakahusay niyang performance.

Screenshot mula sa video ng AGT: The Champions

May isang tagahanga pa nga ang nagsabi noon na mabuti na lang at hindi siya binigyan ng “Golden Buzzer” sa preliminary round dahil nagkaroon pa siya ng pagkakataon na mapanood ang galing ni Marcelito sa semi-finals.

Matatandaang sinabi ng mga judges na karapatdapat si Marcelito sa Golden Buzzer kaya lang ay siya ang unang performer nang gabing iyon ng preliminary round kaya minabuting hintayin mula ang iba pang contestants. Ang mga contestants na nabigyan ng “Golden Buzzer” sa unang round ay hindi na dumaan sa semi-final round – diretso na sila sa finals.

Sa semi-finals na ginanap nitong Lunes, February 3, (Martes, February 4 sa Pilipinas) muling ipinakita ni Marcelito ang kakaiba at makapanindig-balahibo niyang talent na pag-awit gamit ang dual voices – boses babae at boses lalaki.

Inawit niya ang duet ni Andrea Bocelli at Sarah Brightman na “Time to Say Goodbye.”

Kitang-kita sa reaksyon ng mga judges at audience ang paghanga kasabay ng pagkamangha sa kanyang naiibang talent.

Screenshot mula sa video ng AGT: The Champions

Ang mga hurado ay nagkaisa sa kanilang papuring ibinigay sa pambato ng Pilipinas.

Sinabi ni Howie Mandel na si Marcelito ang may pinakamalaking tsansa na manalo sa AGT: The Champions.

“I believe that you have the best shot of winning this whole thing. I really do,” ani Mandel.

“Brilliant song choice, it really enabled you to shine. I just love everything about you Marcelito. Goodluck,” sambit naman ni Alesha Dixon.

Sinabi naman ng judge na si Heidi Klum na si Marcelito ang paborito niya sa lahat ng mga contestants.

Screenshot mula sa video ng AGT: The Champions

“Marcelito, I’ve been waiting all day for you to come onto the stage. For me, you are my favorite. I mean, it just blows my mind,” aniya.

Samantala, nagpakatotoo naman si Simon Cowell sa kanyang komento at sinabi na bagama’t hindi maitatanggi ang espesyal at kakaibang talent ay wala na ang “surpresa” sa performance ni Marcelito.

“There’s no denying that you have a very unique, incredible special talent…” paunang komento ni Cowell na kilala sa pagiging “brutally honest.”

Aniya, kailangan ni Marcelito na “sumugal ng mas malaki” kung papalarin siyang makarating sa finals dahil nawala na ang “surpresa”. Umani ng “boo” mula sa audience ang bahaging ito ng comment ni Cowell.

Screenshot mula sa video ng AGT: The Champions

“So, if you make the final I think you’ve got to take a bigger risk because now… the surprise is now over,” sabi pa ni Cowell.

Pero sa bandang huli, inamin ni Cowell na dahil sa angking “gift” ni Marcelito ay malaki ang kinabukasan ng career niya.

“But I do believe that with the gift like you’ve got, you’ve got a massive career in front of you. I really, really do,” sabi ni Cowell na sinundan ng masigabong palakpakan mula sa audience.

I-click ang larawan upang mapanood ang buong performance ni Marcelito at marinig ang mga komento ng mga judges:

Source :

YouTube

Loading…