Simon Cowell, na-boo sa komento niya sa kanta ni Marcelito sa finals ng AGT: The Champions

  • Video ng AGT:The Champions final round performance ni Marcelito, inilabas na sa social media
  • Kinanta niya ang “Beauty and the Beast” na duet nina Celine Dion at Peabo Bryson
  • Na-boo at binigyan ng “thumbs down” ng audience si Simon Cowell dahil sa komento niya sa performance ni Marcelito

Tulad ng inaasahan, hindi nabigo ang maraming tagahanga na nag-aabang sa performance ni Marcelito Pomoy para sa finals ng America’s Got Talent: The Champions (AGT: The Champions).

Screenshot mula sa video ng AGT The Champions

Kinanta niya ang “Beauty and the Beast” na duet nina Celine Dion at Peabo Bryson.

Masigabong palakpakan at standing ovation ang ibinigay sa kanya ng audience at ng tatlo sa apat na hurado. Tanging si Simon Cowell ang hindi tumayo sa apat na judges, bagaman at nakita siyang pumapalakpak.

Narito ang mga magagandang komento sa kanya ng mga judges:

“I know that this is the third time you’ve performed in front of us, but it just never gets old. Like when those voices are all coming out and it’s like so many voices inside of your body. It is just incredible over and over and over again, and I just can feel it from the reaction from the audience, too. It’s so amazing,” sabi ni Heidi Klum.

Sinabi pa ni Heidi na mahusay ang pagpili ni Marcelito ng kanta, na alam at paborito ng lahat.

Ganoon din ang sinabi ni Howie Mandel tungkol sa pagpili niya ng kanta.

“You are making the right choices, on the right song…great job tonight,” ani Howie.

Screenshot mula sa AGT video

Ayon naman kay Alesha Dixon, perfect daw ang song choice ni Marcelito.

“Marcelito, the song choice was perfect and I actually think that you’ve upped your game from the last time we heard you sing, the high notes in that song were beautiful. You absolutely nailed it tonight,” ani Alesha.

Pinuri din ni Simon ang talento ng Pinoy singing idol, subalit may bahagi ng komento niya ang hindi nagustuhan ng audience kaya na-boo siya at binigyan ng “thumbs down” sign.

Screenshot mula sa AGT video

“You’re very nice, very talented guy, God, I tell you. You really, really are. And this is even better than the last performance you did, much, much better. However, if it is my choice, on a night like this, I would have done something less predictable,” ani Simon.

“How was that predictable?” tanong ni Alesha.

“The song he chose was very safe, they’re very kind of, you know, I get it they’re popular song but I just think that tonight if he had done something out of his comfort zone….that could have given you another moment ‘cause I think you’ve got a massive career in front of you. I really, really do,” paliwanag ni Simon.

Screenshot mula sa AGT video

Narito ang ilang komento ng mga netizens:

“It’s Simon who chose the song for Marcelito to sing… I saw Marcelito’s face so sad when Simon commented negatively.”

“Binabaliktad ni Simon si Marcelito, inamin na ni Marcelito na si Simon at music team ng AGT ang pumili ng kanta. Bakit ngayon sasabihin ni Simon wrong choice of song? I smell something fishy here.”

Matatandaang sinabi ni Marcelito sa isang video na deleted na, na si Simon Cowell ang pumili ng kanta para sa finals performance niya. Ani, Marcelito, hindi pang-contest ang kantang napili ni Simon para sa kanya.

Narito ang finals performance ni Marcelito:

Source :

YouTube

Loading…